NOONG panahon ni Presidente Fidel Ramos, dumulog sa akin ang lumuluhang ina ng isang bibitaying OFW sa Saudi Arabia. Sinentensyahan siyang mabitay dahil sa illegal na pangangaral ng Kristiyanismo sa isang bansang Muslim.
Inilathala ko ito at naging banner headline sa pahayagang ito at sa Philippine Star. Yaon ang unang kaso ng Pilipinong bibitayin sa ibang bansa. Agad sumulat si Pres. Ramos sa Hari ng Saudia Arabia at ilang araw lang ang lumipas, pinalaya na ang preacher na si Wally Magdangal at nakabalik nang matiwasay sa Pilipinas. Naging kaibigan ko pa nga ang ngayo’y pastor nang si Magdangal. Matagal nang panahon yaon.
Simula noon, nagkasunud-sunod na ang mga PilipiÂnong nasentensyahan ng bitay sa iba-ibang bansa. Mayroong dahil sa murder at pagiging drug courier. Ang iba’y nagawan ng aksyon ng pamahalaan pero may ibang tinuluyang bitayin.
Ngayon naman, isang OFW na nagtatrabaho sa Saudi ang muling nakahanay sa mga bilanggong bibitayin sa kasong pagpaslang dahil sa pagdepensa sa sariling buhay. Makakalaya siya kung maipagkakaloob ang malaking hala-gang blood money para sa inulila ng kanyang naging biktima.
May message akong natanggap mula sa Facebook mula kay Dondon Lanuza na nananawagan sa mga taong puwedeng makatulong sa kanya na mai-raise ang kaukulang pondo na susi sa kanyang paglaya.
Aniya sa kanyang mensahe: “My regrets never stopped eversince the incident happened. I know I do not have the right to take someone’s life, but I have my own life too to protect and take care of. I am seeking all the help I can get from all of you who has the time and heart so I would be able to start a new lease of life with my loved onesâ€.
Bilang kapwa Pilipino, nais kong ilathala ang panawagan ni Lanuza na nakapatay dahil sa pagtatanggol sa sarili. Ang ano mang maiaambag natin ay puwedeng ideposito sa account na ito:
Account Name: Letty Lanuza
Bank: Metrobank Malolos Mc. Arthur Hi-way Branch
Savings Account No.: 575-3-57501112-9
Bank Swift Code: MBTCPHMM