‘Ano ang sintomas ng testicular cancer?’

Magandang araw po. Dr. Elicano. Ako po ay government employee at 55-taong gulang na. Gusto ko lang pong ihingi ng payo ang nakakapa kong bukol sa aking testicles. Hindi naman po ito masakit at kapag aking sinasalat ay gumagalaw o palipat-lipat ng puwesto. Sabi ng mga nakausap kong kasamahan sa trabaho ay palatandaan daw ito ng testicular cancer. Kinabahan po ako. Gusto ko sanang magpakunsulta sa doktor pero minabuti ko munang hingiin ang iyong opinyon ukol dito. Marami pong salamat.” –FRANK M. L., Pedro Gil St. Paco, Manila

Lisensiyado at bihasang doktor lamang ang maaaring makapagsabi kung ang mga nakikita mong kakaiba sa iyong katawan ay cancer o hindi. Kailangang dumaan ka sa mga pagsusuri para ganap na matiyak ang iyong kalagayan. Hindi dapat pagbatayan ang haka-haka o opinyon ng mga kaibigan, kakilala at kung sinu-sino pa. Doktor lamang ang dapat mong kunsultahin.

Ang testicular cancer ay ang pagkakaroon ng malignant cells sa testicles mismo. Sintomas ng cancer ang pagkakaroon ng bukol sa testicles. Hindi ito gumagalaw kapag sinasalat. Masakit ang bukol. Karaniwang nagkaka-testicular cancer ang mga kalalakihan na ang edad ay 30 pababa.

Isa sa mga sinasabing dahilan ng  testicular cancer ay ang may undescended testcle o cryptorchidism mula pa noong ipinanganak. Mataas ang kanilang  posibilidad na magka-cancer.

Kapag napansin na may bukol sa testicle, huwag mag-atubiling kumunsulta sa doctor. Maraming uri ng testicular cancer ang nagagamot kapag natuklasan nang maaga. Para maiwasan ang cancer, regular na magpaeksamin ng testicles.

 

Show comments