^

PSN Opinyon

Maayos na pangangasiwa ng food products

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada - Pilipino Star Ngayon

UMAABOT umano sa apat na bilyong tonelada ng produktong pagkain ang nalilikha sa buong mundo taun-taon, pero halos kalahati nito ay nasasayang dahil sa kakula-ngan sa sistema ng pangangasiwa ng mga ito.

Base sa ulat na “Global Food; Waste Not, Want Not” na inilabas ng Institution of Mechanical Engineers mula sa iba’t ibang bansa, isang pangunahing sanhi ng food wastage ay ang pagkasira nang maraming produkto dahil sa hindi maayos na pag-biyahe at pag-iimbak ng mga ito.

Isa ang Pilipinas sa apektado ng usaping ito. Ayon sa mga lokal na magsasaka at negosyante, 15 hanggang 30 porsiyento ng food products laluna ang mga gulay, prutas, seafoods at karne ang nasasayang dahil sa pagkasira sa pagbiyahe at pag-iimbak.

Isa sa mga solusyong isinusulong ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada para rito ay ang pag-develop ng episyenteng sistema ng food handling-and-storage.

Puwede aniyang mag-invest sa ganitong hakbangin ang pamahalaan sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga Public Food Handling and Storage Center sa mga istratehikong lokasyon sa iba’t ibang panig ng bansa, tulad halimbawa sa grain-producing Central Luzon, fruit-and-vegetable basket Mindanao, at sa seafood-rich Southern Luzon.

Ang mga center na ito aniya ay dapat may mga moder­nong warm-and-cold storage rooms, blast-freezing equipment, conveyors, large warehouses and all other related facilities at pinangangasiwaan ng mga propesyunal na personnel.

Dagdag ni Jinggoy, “These Public Food Handling and

   Storage Centers could greatly minimize spoi-lage, extend the shelf life of food and maintain the quality and freshness of the goods. These could thus help ensure steady food supply at very reasonable prices, increase the income of farmer-producers and generate more economic activities in the country.”

* * *

Ang buong pamil­ya Estrada ay nakikidalamhati sa pagyao ni Ginang Araceli Lily Hornilla, butihing ina ni DOLE-NCR Assistant Regional Director Nelson Hornilla.

ASSISTANT REGIONAL DIRECTOR NELSON HORNILLA

CENTRAL LUZON

FOOD

GINANG ARACELI LILY HORNILLA

GLOBAL FOOD

INSTITUTION OF MECHANICAL ENGINEERS

ISA

PUBLIC FOOD HANDLING AND STORAGE CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with