‘Happy New Year po, Dr. Elicaño. Matagal na akong tagasubaybay ng iyong column sa Pilipino Star NGAYON. I wish na magpatuloy pa ang iyong column para marami ka pang maipayo sa tulad kong walang kakayahang kumunsulta at magbayad sa doktor.
Doc ako po ay isang diabetic at mayroon po akong nabasa sa isang medical magazine na mahusay daw ang pag-take ng aspirin sa tulad kong may diabetes. Pero gusto ko lang po makasiguro kaya ako nag-email sa’yo. Ano po ba ang kabutihang dulot ng pagtake ng aspirin?” – NORA MALIMPASAN, Bacoor, Cavite
Happy New Year sa iyo, Nora. Salamat sa pagsubaybay mo sa column ko. Ayon sa mga eksperto, ang mga diabetic patients ay nararapat mag-take ng coated aspirin araw-araw. Ang mga diabetic adult, lalo ang obese, naninigarilyo, may family history ng heart disease at high blood pressure o may mataas na bad cholesterol ay nararapat mag-take ng aspirin daily. Ito ay para ma-prevent ang pamamanhid ng kamay at mga paa dulot ng pagtaas ng blood sugar.
Bukod sa aspirin, sinasabi rin ng mga eksperto na nakatutulong din ang Alpha Lipoic Acid (ALA) sa mga diabetic. Ito ay isang anti-oxidant na nakaka-reduce sa symptoms ng diabetes. Ang mga pagkaing may ALA ay patatas, red meat at spinach.
Paalala ko lang sa diabetics, bago mag-take ng aspirin at ALA ay kumunsulta muna sa doktor.