^

PSN Opinyon

Bantayan ang mga trigger happy

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

TODO na ang ginagawang paghahanda ng Department of Health sa lahat ng mga pampublikong pagamutan upang pagsilbihan muli ang mga mabibiktima ng firecrackers at stray bullet na kagagawan ng ilan nating kababayan na matitigas ang ulo sa pagsalubong ng bagong taon. Kasi nga nakaugalian na nang maraming kababayan ang magpaputok ng mga malalakas na rebentador at umidong silver fountain. At ang ilan naman nating kababayan ay pabaya sa kanilang mga anak sa pamumulot ng mga rebentador kaya nasasabugan ang mga kamay. Ang masaklap kulang din sa pagpapatrulya ang mga pulis kaya patuloy pa rin na nakakalusot sa batas ang ilang trigger happy at makakati ang daliri sa gatilyo ng baril sa pagpapaputok tuwing bisperas ng New Year. Kaya ang kadalasan sa mga inosenteng mamamayan tumatama ang bala na nagreresulta ng kamatayan.

Ang panawagan ko mga suki, maging mapagmatyag tayo sa ating kapaligiran at agad na magsumbong sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya at mga barangay official nang mahuli ang mga ito. Manmanan na rin ninyo ang iyong mga kapitbahay na may baril maging itoy kasapi ng PNP o AFP. Kasi nga kung magiging tikom ang ating mga bunganga at magsabulag-bulagan lamang tayo tiyak na manganganib ang ating mga sarili. Maging maagap din sana tayo sa ating mga tahanan dahil sa tuwing sasapit ang bagong taon palaging nagaganap ang sunog, kasi nga may ilang mahihilig na magsindi ng kuwitis na tumatama sa ating mga kisame. Ang ilan naman ay napapabayaan ang mga kandila o dili kaya’y napapabayaan ang mga kalan na LPG. Kapag nagkasunog ang sinisisi ng ilang makikitid ang isipan ay yung mga kaawa-awang bumbero.

Katulad na lamang nang masunog ang Bgy. St. Joseph sa San Juan City na ang pinagbalingan ng galit ng ilang residente ay yung mga bumbero na sa pakiwari nila ay nagpabaya. Subalit naging saksi tayo sa naganap na panghaharas ng ilang residente roon sa mga bumbero kung kaya napilitang umatras upang makaiwas sa pambubugbog ng ilang sira ang ulo.

Maging si dating President Erap Estrada pa nga’y pinagbubulyawan ng ilang makikitid ang isipan at may ilan pa na nambato na ikinatama ng isang cameraman ng ABC 5 habang kinakapanayam si Erap.

Tatlong firetrucks naman ang nabasagan ng windshield matapos na magpaulan ng bato ang mga dismayadong residente nang maubusan ng tubig.

Ang masaklap kulang sa presensiya ang mga kapulisan ng San Juan City police kung kaya nagawa ng mga residente ang maging bayolente at marahas na hakbang sa mga bombero­.

Calling NCRPO chief Dir. Leonardo Espina sir, pakialerto nga ang mga bataan n’yo sa ganitong sitwasyon upang mabigyan naman ng proteksiyon ang mga bumbero. At kung nais talaga ng DOH na maging ligtas ang sambayanan, ang dapat ninyong gawin ay lubusan nang ipagbawal ang pagpapaputok sa mga mataong lugar.

BGY

DEPARTMENT OF HEALTH

ILANG

KASI

LEONARDO ESPINA

NEW YEAR

PRESIDENT ERAP ESTRADA

SAN JUAN CITY

ST. JOSEPH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with