^

PSN Opinyon

4 cock invitational derby sa Mindoro Oriental

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Mga kasabong, iniimbitahan kayo ni Atty. Biyong Ga­ring sa kanyang 4-cock derby sa Victoria Cockpit Arena sa Victoria, Mindoro Oriental sa February 8, 2013, Friday ng alas - 6pm with matching guaranteed prize P300,000, sa handler P25,000 at sa gaffer ay P15,000.

Pot money ay P11,000 at ang minimum bet ay P11,000.

Huwag ninyong kalimutan ang Petsa mga Kasabong sumali na,

Malatubang foolish cop sa MPD Station 1

Sana mabasa ito ni NCRPO Director Dindo Espina at no Supt. Quirante ang hepe ng MPD Station 1 para malaman nila ang katamar an ng kanyang mga foolish cop na nakatalaga dito.

Bakit.

Ilang ordinary citizen ang nagpunta ng presinto the other night para ireklamo sa pulisya na ninakaw ang kanyang cell phone ng mga kainuman nito sa isang bahay dyan sa Tondo imbes na tulungan ang pobreng alindahaw ay pinagalitan pa ang kawawang nilalang ng foolish cop dyan sa Police Station 1.

Paano nga  naman gaganahan ang  madlang public na magsumbong sa pulisya kung ganito ang trato sa biktima!

Imbes na tulungan ay binaliwala ng malatubang foolish cop ang nagrereklamo.

Bakit?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, puro delihensiya ang leaked ng mga kamote.

Abangan.

BOC Commissioner Biazon busisiin mo ulit

BILLION of pesos ang nalugi sa gobierno ni P. Noy dahil sa mga nawalang daan-daan container noon panahon ni dating BOC Commissioner Lito Alvarez kaya ito ang isa sa mga dahilan Kung bakit ito sinipa sa bureau.

Bakit?

Naglaho kasing parang bula ang mga containerized vans na naglalaman ng billion of pesos worth humantong pa sa Kongreso ang pagkalkal dito at itinuro naman ng drayber ng van sa imbestigasyon na dinala nila ang shipment sa warehouse ng isang milyonaryong tsekwa.

Kaya Lang mukhang nagkaaregluhan?

Kung sino ang nagka-pera ito ang role ni Ruffy buhayin muli ang kaso para ang salaping pinakalat para huwag ng pasingawin ang kaso ay muling maimbestigahan.

Abangan.

vuukle comment

ABANGAN

BAKIT

BIYONG GA

COMMISSIONER BIAZON

COMMISSIONER LITO ALVAREZ

DIRECTOR DINDO ESPINA

KAYA LANG

MINDORO ORIENTAL

POLICE STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with