^

PSN Opinyon

Manyak si Bosing (Ikalawang Bahagi)

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

NAPUNO na ang tatlong babae. Bawa’t isa sa kanila ay nagsampa ng sexual harassment kay Bernie.  Matapos ang masusing imbestigasyon ng opisina ng mayor, napatunayan na talagang nagkasala si Bernie. Sa mga kasong sinampa nina Margie at Nida, sermon lang at 30 araw na pagkasuspinde sa trabaho ang ginawad. Kasi raw ay light harassment o medyo mababaw naman ang ginawa ni Bernie. Pero sa ginawa niya kay Tess siya ay tinanggal na sa trabaho.

Umapela sa Civil Service Commission (CSC) si Bernie. Ang inapela niya ay ang pagkatanggal niya sa trabaho dahil ito lang ang puwede niyang inapela. Hindi na siya puwedeng umapela sa dalawang naunang desisyon. Pero sumang-ayon ang CSC sa desisyon ng opisina ng mayor. Tama lang daw ang parusang pagkatanggal sa trabaho dahil sa grave misconduct imbes na grave sexual harassment.  Nang umakyat pa si Bernie ng apela sa Court of Appeals (CA) , pinababa ang parusa. Imbes na pagkatanggal sa trabaho, ang sentensiya na lang niya ay masuspinde ng 30 araw.  Kinunsidera ng CA ang paulit-ulit na paghingi ng tawad ni Bernie sa kanyang nagawa bilang katibayan na hindi nito balak na gumawa ng ganoon kabigat na kasalanan pati na rin ang 10 taon niyang serbisyo sa gobyerno. Tama ba ang CA?   

MALI. Ang ginawa ni Bernie na pagdakma kay Tess  at ang tangka niyang paghalik sa babae ng walang pahintulot nito at malinaw na paglabag sa batas natin na nagbabawal sa sexual harassment sa opisina. Ipagpalagay na natin na wala siyang balak na lumabag sa RA 7877, mayroon pa rin siyang nilabag na batas na umiiral mula pa noong sinaunang panahon --- maaari lang ang ganitong kilos kung pareho silang pumapayag sa nangyayari.  Ang paglabag ni Bernie sa ating nakagawian pati na ang kawalan niya ng respeto sa babae ay mas mabigat dahil nga may-asawa na siya. Pinakikita lang nito kung gaano kababa ang tingin niya sa mga babae at ang kawalan niya ng respeto sa puri at dignidad ni Tess.

Ang paulit-ulit na pakikipag-ayos ni Bernie kay Tess ay nagpapatunay lang din na alam niya kung gaano kabigat ang kanyang kasalanan at kung ano ang nag-aantay sa kanyang parusa sakaling magreklamo si Tess sa kinauukulan. Ang mahabang taon ng serbisyo niya sa gobyerno ay hindi nga dapat ituring na pangbawas kundi pampabigat pa sa kanyang kasalanan. Inaasahan na sa tagal niya sa panunungkulan sa gobyerno ay dapat na alam na niya na magpakita siya ng integridad at disiplina sa sarili.

Isa pa, ito ang pangatlong kaso na pinarurusahan si Bernie para sa sexual harassment. Hindi dapat hayaan na magpatuloy ang kanyang pagkamanyak. Dapat lang na tanggalin na siya sa trabaho at kumpiskahin ang kanyang retirement benefits maliban sa kanyang leave credits at hindi na payagan na makapasok muli sa alinmang sangay o ahensiya ng gobyerno (Narvasa vs. Sanchez Jr. , G. R. 169449, March 26, 2010, 616 SCRA 586).

BERNIE

CIVIL SERVICE COMMISSION

COURT OF APPEALS

KANYANG

LANG

NIYA

PERO

SANCHEZ JR.

TESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with