Merong Santa Claus! Maligayang Pasko (2)

KARUGTONG ito mula kahapon -- editorial ng isang isyu ng New York Sun noong 1897. Akda ni editor Francis P. Church, tugon ito sa liham ng 8-taong gulang na si Virginia O’Hanlon kung, “Meron po ba’ng Santa Claus?”

“Sabi kasi ng mga kalaro ko, hindi raw siya totoo,” ani Virginia. “Sabi naman ng ama ko itanong ko sa Sun. Ano po ba talaga?”

At ito’y naging pinaka-reprinted na editorial sa kasaysayan ng pamamahayag. Isinalin:

“Virginia,

“May nakakita na ba ng mga diwata nagsasayawan sa damuhan? Wala pa, ngunit hindi ito nangangahulugang wala sila roon. Walang makakawari o katha na lahat ng kamangha-mangha sa mundo na hindi nakikita o makikita.

“Lasugin ang laruang kalatis ng sanggol upang alamin kung ano ang nagpapaingay na nasaloob, ngunit merong belo na tumatakip sa nakatagong mundo, na miski ang pinaka-malakas na tao, o kaya’y ang pinagsamang lakas ng pinaka-malalakas na nilalang ay hindi kakayaning lasugin. Paniniwala lamang, at mga tula, pagmamahal, pag-iibigan ang hahawi sa tabing, upang ilahad at ilarawan ang mala-Langit na kagandahan at kabunyian sa kabila.

“Totoo ba lahat ito? Ah, Virginia, sa mundong ito wala nang iba pang totoo at nananatili.

“Walang Santa Claus! Salamat sa Diyos, siya’y buhay, at mabubuhay habang-panahon. Isang libong taon mula ngayon, Virginia, hindi, sampung ulit ng sampung-libong taon mula ngayon, magpapatuloy siyang paligayahin ang puso ng pagkabata.”

Maligayang Pasko sa ating lahat!

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: jariusbondoc@gmail.com

Show comments