‘Anong dahilan ng pangangati ng lalamunan?’
Merry Christmas po Dr. Elicaño. Itatanong ko lamang po kung ano ang dahilan at laging nangangati ang aking lalamunan. Pabalik-balik po ito at kung anu-anong gamot na ang aking ininom. Lagi po akong umaahem. Madalas pong umatake ang aking “ahem” sa gabi. Sana po ay mapayuhan mo ako ng mga gagawin para mawala na ang pangangati ng aking lalamunan. Marami pong salamat Doktor at nawa’y marami ka pang matulungan na readers.” ---DONNA M. ENCARNACION, Metrica St. Sampaloc, Manila
Ang pangangati ng lalamunan (sore throat) ay kagagawan ng Stretococcus bacterium. Usung-uso ngayon ang sore throat dahil malamig ang panahon. Pinalulubha naman ang sore throat ng paninigarilyo at sobrang pag-inom ng alak.
Kapag may sore throat, iwasan muna ang pagkain ng matatamis na pagkain gaya ng biscuits, kendi at ice cream. Ang nararapat kainin ay ‘yung mayaman sa Vitamin C para maiwasan ang pagkapit ng infection. Mayaman sa Vitamin C ang strawberries, oranges at red pepper. Makatutulong din naman para mahadlangan ang pagkakaroon ng infection kung kakain ng mga yellow o orange fruit at vegetables gaya ng apricots, carrots at spinach.
Mahalaga rin ang Vitamins D at E para malabanan ang pagkakaroon ng sore throat. Ang Vitamin D ay matatagpuan sa mga oily fish. Ang Vitamin E naman ay matatagpuan sa abokado, olive oil, nuts at seeds.
- Latest