^

PSN Opinyon

Mga larawan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

HINDI matanggal sa aking isipan ang larawan ng taong namaril ng 20 bata at anim na guro sa isang paaralan sa Connecticut. Ito yung larawan na ginagamit ng halos lahat ng media, maging TV o pahayagan kung saan nakasuot ng asul na T-shirt, mala-bunot ang buhok at tila nakatungo pero nakangiti na hindi ko maintindihan! Yung hindi siya deretsong nakatingin sa camera pero parang tinitingnan ka pa rin! Kung hindi ko alam kung ano ang kanyang ginawa ay itatanong ko pa siguro kung anong problema ng bata!

Itabi mo naman ito sa larawan ng isa sa mga bikitma, yung batang lalaki na napakaganda ng ngiti sa camera, na nakasuot ng makapal na damit. Hindi ko maisip ang kanyang katawan na gutay-gutay dahil sa dami ng tama ng bala. Ang balita nga ay umiiyak ang mga naglabas ng mga bangkay nang makita nila ang mga lagos-lagos na katawan ng mga bata! Mabuti na lang at hindi na ipinakita sa media! Kapag ipinagtabi ang dalawang larawan, hindi iisiping mamamatay-tao ang isa, at biktima naman ang isa!

Kaya naman ibang klase ang galit ngayon ng mara-ming Amerikano, at ang kanilang pinagbubuhusan ng galit ay ang mga maluwag na batas hinggil sa pagbili o pagbenta ng baril sa sibilyan. Maraming nagaganap na mga rally sa mga kalsada laban sa pagbenta ng mga malalakas na baril, tulad ng ginamit ni Adam Lanza sa mga bata. At mukhang kumikilos na rin ang mga mambabatas, partikular ang mga kapartido ni President Barack Obama. Gusto nila ay ibalik ang pagbabawal ng pagbenta ng mga malalakas na baril tulad ng AR-15 at AK-47, mga tinatawag na “assault rifles” na may kakayahang kargahan nang maraming bala. Dahil sa takot na matuloy ang pagbabawal, malakas daw ang benta ng mga ganung klaseng baril ngayon! Iba talaga kapag ang kultura ay malalim na sa baril, tulad ng Amerika. Siguradong masalimuot na naman ang away o debate ukol dito. Pero kung   makikita naman ang mga    biktima, magagalit ka rin! Ito ang pang-apat na pamamaril sa Amerika ngayong 2012. Panahon na nga ba para baguhin ang kanilang mga batas ukol sa baril, o mananati-ling karapatan pa rin ng lahat? Tiyak nagbabantay rin ang ating gobyerno sa magiging katapusan nito, sa dami rin ng baril sa Pilipinas!

 

vuukle comment

ADAM LANZA

AMERIKA

AMERIKANO

BARIL

DAHIL

ITABI

PRESIDENT BARACK OBAMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with