DAGSA na naman ang mga tao sa mga malls, tianggehan at iba pang pamilihan upang makapamili ng mga gamit at pangregalo ngayong papalapit na ang Pasko. Kaya naman kasabay ng pagdami ng mga mamimili ang paglaki rin ng bilang ng mga mapagsamantalang kawatan.
Isa ang kalye ng Raon sa Maynila na sinasadya ng mga kababayan nating nagnanais makabili ng mga napakamurang appliances. Subalit sa kalye ring ito nabiktima ng panloloko ang isang masugid na tagasubaybay ng BITAG mula sa Alabang.
Isang e-mail ang kanyang ipinadala sa BITAG na nagsusumbong tungkol sa naranasang panlilinlang mula sa mga tindero at tindera sa Raon, Manila.
Sinadya pa niya ang Raon upang makabili lamang ng isang 2gb RAM (Memory card) para sa kanyang computer. Pagdating pa lamang, bumungad na sa kanya ang kaliwa’t kanang pang-aalok ng mga tindero at tindera ng kanya-kanyang produkto.
Dahil rekomendado maging ng mga kakilala niya, mabilis siyang nagtiwala sa ibinibidang kagamitan ng mga vendor sa daan. Hindi na siya nagdalawang-isip matapos mahanap at makuha sa napakamurang halaga na P300 ang hinahanap niyang produkto.
Pagdating sa bahay, nagulat siya nang malamang ang biniling memory card ay hindi gumagana.
Kaya ganoon na lamang ang panlulumo at panghihinayang niya dahil ang ipinangakong magandang kalidad ng gamit na ibinenta sa kanya, sira at hindi man lamang mapakinabangan.
Narito ang mga tips na ito upang hindi maisahan ng mga dorobong tindero’t tindera sa bansa: Una, bago kunin at bayaran ang binibili, makabubuti kung inspeksyunin muna itong mabuti o ‘di kaya’y subukan kung talagang gumagana o maganda ang kalidad nito. Pangalawa, laging manghingi ng resibo bilang katiba- yan sakaling magnais na isauli o ipapalit ang nabiling gamit.
Tandaan ang mga tips na ito upang hindi mabiktima ng mga nagkalat na mapagsamantalang kawatan na ang pakay lamang ay sairin ang bulsa ng mga mamimili ngayong kapaskuhan. kilusan na ang adbokasya ay para sa matuwid na pamamahala sa gobyerno gaya ng kilusang pinamumunuan nina former CJ Puno at Habito. Kaya abagngan natin ang magiging tugon ni Bro. Eddie.