^

PSN Opinyon

Prinsipe ng Simbahan

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

CONGRATULATIONS sa ating lahat sa pagtalaga ng isa na namang Pilipino sa College of Cardinals ng Simbahang Katoliko sa Vatican. Si Manila Archbishop Luis Antonio Gokim Tagle ang pampitong kababayan natin na iniluklok sa ekslusibong samahan ng lahat ng mga prinsipe ng Simbahan, ang College of Cardinals. Wala namang masasabing kapangyarihan ang College habang ang Papa ay nanunungkulan. Tanging advice lamang ang mabibigay kung ito’y hilingin. Subalit sa mga pagkakataon na may Papa na mamamatay o di kaya’y magbibitiw sa posisyon, dito makikita ang kahalagahan ng College of Cardinals at ng pagiging miyembro nito. Sila ang mamimili ng taong hahalili at magiging susunod na Papa. At bagamat hindi limitado sa mga Cardinal mismo ang maaring  pagpipilian, taong 1378 nang huli silang namili ng non-Cardinal na maging Papa.

Ang ibig sabihin nito’y sinumang Cardinal ay may tsansa na maging Papa kung ito ang pasya ng College. Sa kasalukuyan ay tatlo ang nabubuhay na Pinoy Cardinals. Maliban kay Tagle, nandyan din sina Ricardo Cardinal Vidal at Gaudencio Cardinal Rosales. Ang mga naging Cardinal na hindi na natin kasama ngayon ay sina Rufino Cardinal Santos, Julio Cardinal Rosales, Jaime Cardinal Sin, at Jose Cardinal Sanchez.

Sa edad 55, si Luis Cardinal Tagle ang ikalawa sa pinakabatang Cardinal sa buong mundo. Tanging si Cardinal Thottungkal ng India ang mas bata sa edad 53. Sa kabila nito ay itinuring siya ng isang Vatican observers na “future papal contender”. Kinilala siyang “possible future Pope” dahil sa isa itong paborito ng Papa at ng kanyang inner circle. Rising Star din daw ito sa simbahan ng Asya.

 Medyo malabo pa magkatutoo ang hula sa madaling panahon dahil sa bilang ng 109 Cardinals na maaring pumili ng Papa sa ngayon, mahigit 50% nito ay taga Europa. Tatatlo ang Pilipino at ang kabuuang bilang ng mga Asian Cardinal, isama na ang minoridad ding African Cardinals, ay 11 lamang.

Ganoon pa man, isang napakalaking blessing at karangalan na mayroon uli tayong isang Prinsipe ng Simbahan na tatayong Pastol sa panahon na higit na kailangan ng lipunan ang kanilang pangunguna, pag-akay at magandang halimbawa.

vuukle comment

AFRICAN CARDINALS

ASIAN CARDINAL

CARDINAL

CARDINAL THOTTUNGKAL

COLLEGE OF CARDINALS

GAUDENCIO CARDINAL ROSALES

JAIME CARDINAL SIN

JOSE CARDINAL SANCHEZ

JULIO CARDINAL ROSALES

LUIS CARDINAL TAGLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with