“Dr. Elicaño, madalas pong sumakit ang aking tiyan na tumatagos sa likuran. Ulcer po kaya ito? Madalas kasi akong magpalipas ng gutom noon dahil isa akong mekaniko.” –ROD MOJADO, Batangas City
Kailangang magpakunsulta ka para malaman kung ulcer nga ang nararamdaman mo. Hindi malalaman ang ulcer kung hindi isasailalim sa examinations.
Maraming examinations na gagawin para malaman kung meron kang ulcer. Kabilang dito ang endoscopy, analysis of gastric secretions at X-rays.
Ang mga may ulcer ay nananakit ang tiyan na tumatagos sa bahaging likuran. Sumasakit ang tiyan kapag oras ng pagkain. Nakadarama rin ng pagkabalisa ang may ulcer.
Kapag may ulcer, dapat ay light diet lamang ang kainin. Iwasan ang spicy foods at mga mamantika. Iwasan ang coffee at alcohol. Huwag ding manigarilyo.
Ang pagkakaroon ng ulcer ay pinaniniwalaang kaugnay sa mga pagbabago sa mucous membrane, mucus secretion, acid at pepsin production. May mga gamot na pinaniniwalaang dahilan ng formation ng ulcer at ilan dito ay non-steroidal, anti-inflammatory at costicoteroids.