^

PSN Opinyon

Positibong development sa Kasambahay Bill

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada - Pilipino Star Ngayon

INIHAYAG ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ang positibong development sa kanyang panukalang “Batas Kasambahay” (Senate Bill 78) na nagtatakda nang maayos na suweldo, benepisyo at proteksiyon para sa mga househelper, cook, yaya at iba pang domestic worker. Nagkasundo na ang mga senador at kongresista ng bicameral conference committee sa ilang naunang pinagtalunang probisyon laluna sa pagtatakda ng monthly minimum salary ng kasambahay.

Napakababa ng monthly minimum wage ng kasambahay na nakasaad sa kasalukuyang batas, partikular sa Article 143 ng Labor Code, na P800 sa mga nasa Metro Manila at highly urbanized cities, P650 sa chartered cities at first-class municipalities, at P550 sa mga nasa hindi gaanong maunlad na bayan.

Iginiit ni Jinggoy na “outdated and unrealistic” na ang naturang pasahod dahil sa patuloy na tumataas na cost of living laluna’t 19 na taon na ang nakalilipas mula nang huling­ itinaas ang sahod ng kasambahay sa pamamagitan ng Republic Act 7655 na inaprubahan noong 1993. Alin­sunod sa panukala, ang monthly minimum salary ng kasambahay ay magiging P2,500 sa National Capital Region, P2,000 sa chartered cities and first-class muni­cipalities, at P1,500 sa iba pang munisipalidad. Kabilang naman sa itinatakdang benepisyo ay ang membership nila sa Social Security System (SSS), PhilHealth at Pag-IBIG.

Base sa pag-aaral, “affordable and reasonable” sa mga homeowner/employer ang mungkahing bagong suweldo at benepisyo. Binibigyang-laya naman ang mga mas nakalu­luwag na amo na magbigay ng sahod at mga benepisyo na higit pa sa itinatakda ng panukala. Ayon kay Jinggoy, panahon na upang isulong ang kapakanan ng mga kasambahay na aniya’y “everyday army and unsung heroes of the Philippine economy.”

* * *

Birthday greetings: Navotas City Rep. Toby Tiangco at BUHAY partylist Rep. Irwin Tieng (Nob. 21); Nueva Segovia Archbishop Ernesto Salgado at San Remigio, Anti­que Mayor Glenn Cabigunda (Nob. 22).

 

BATAS KASAMBAHAY

IRWIN TIENG

JINGGOY

LABOR CODE

MAYOR GLENN CABIGUNDA

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION

NAVOTAS CITY REP

NUEVA SEGOVIA ARCHBISHOP ERNESTO SALGADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with