^

PSN Opinyon

82,000 PCOS machines matetengga sa halalan

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

ISA sa mainit na usapin tungkol sa precinct count optical scanners (PCOS) nu’ng halalang 2010 ay ang source code. Ito ang computer program na mag­ papatakbo sa PCOS. Ibig sabihin, makilala ang genuine na balota, mabilang ang mga boto, at ma-transmit ang tallies sa Comelec field at central offi-ces. Ayon sa Election Automation Law at sa kontrata ng supplier na Smartmatic ng Venezuela, dapat ideposito ang code sa Bangko Sentral ng Pilipinas pagkapanalo ng supplier sa bidding. Dapat din ipasuri ito sa mga partido at eksperto sa information technology.

Inanunsiyo ng Comelec at Smartmatic na isinumite na ang source code ng PCOS sa BSP. Dagdag pa nila, maari na itong suriin sa computer ng Comelec, pero bawal i-testing sa pamamagitan ng laptops at flash drives, o ilabas sa central office. Hindi lumahok ang mga IT experts dahil palabas lang daw ang ginagawa ng Comelec at Smartmatic.

Nanatiling kuwestiyonable ang source code. Ganunpaman, inupahan ng Comelec ang 82,000 PCOS machines sa halagang P7.2 bilyon. Pinagdudahan kung kinopya lang ng Smartmatic ang public surveys bilang resulta ng eleksiyon.

Ngayon lumabas ang totoo. Hindi pala hawak ng Smartmatic ang source code. Hindi ito ibinigay sa BSP. Malamang ay peke ang program sa naudlot na pagpapasuri ng Comelec.

Naibulalas ito ng Smartmatic sa isang demanda laban sa Dominion Voting Systems ng Canada nu’ng Setyembre. Ang Dominion ang totoong may-ari ng

 

 PCOS technology, at hindi pala nito isinumite ang source code. Kaya, sinisi-ngil siya ng Smartmatic ng danyos perhuwiso.

Kataka-taka, hindi ito pinapansin ng Comelec. Sa halip, binibili pa ang 82,000 PCOS sa dagdag na P1.8 bilyon sa Smartmatic. Mga bulaan!

* * *

Makinig sa Sapol, Sa­bado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

 

ANG DOMINION

AYON

BANGKO SENTRAL

CODE

COMELEC

DAGDAG

DAPAT

DOMINION VOTING SYSTEMS

ELECTION AUTOMATION LAW

SMARTMATIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with