^

PSN Opinyon

Daming kakampi ng Ampatuans

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAIRITA kamakailan ang sirkulo ng mga mamamahayag sa desisyon ng Korte Suprema na huwag payagan ang live coverage sa kaso ng Ampatuan massacre.

Parehong nagsampa ng petisyon sa Korte ang Natio-nal Press Club of the Philippines at National Union of Journalist in the Philippines para irekonsidera ang desisyong ito na hindi naibigan ng nakararaming mamamayan.

Ngayon naman, may mga umuugong na balita na may ilang suspek sa karumaldumal na pamamaslang ng mga mediamen na kinakanlong umano ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). Ano ba iyan?!

 Kaya umapela uli ang National Press Club of the Philippines (NPC) kay Pang. Noy Aquino at Moro Islamic Liberation Front (MILF) chairman, Ebrahim Murad, na isama sa nilagdaang “framework agreement” ng gobyerno at MILF ang pagbibigay ng hustisya sa mga biktima ng “Ampatuan Massacre” sa Maguindanao noong 2009.

 Kinumpirma sa NPC ng mga “reliable sources” at mga “concerned groups” sa Mindanao na karamihan sa mga hindi pa nahuhuling suspects sa insidente ay “kinakanlong” ng MILF sa kanilang mga kampo sa Maguindanao at iba pang lugar sa Mindanao.

 May punto ang NPC. Kung talagang sinsero ang Pangulong Aquino na mabigyan ng hustisya ang mga biktima sa masaker katulad ng ipinangako niya noong 2010 elections, marapat lang nitong “hingin” sa MILF ang pagsuko ng mga suspects.

At kung sinsero ang MILF na bigyang-daan ang pambansang pagkakaisa, pag-unlad at katahimikan sa Minda­nao, marapat lang na isuko sa ating mga awtoridad ang mga suspects na nagkakanlong sa kanilang mga kampo sa Mindanao, ani Antiporda.

In fairness, walang humpay ang PNP sa pag-tugis sa lahat ng sus­ pek sa krimen, ngunit mala-king setback kung may impluwensyal na grupo na kumakanlong sa ibang suspect.

Ayon sa impormasyon ng NPC, sa  90 suspects na hindi pa nahuhuli, sinabi ng mga impormante kay Antiporda na halos “80 porsiyento” (may 70-katao) ang nasa mga lugar sa Mindanao na “balwarte” ng MILF.

vuukle comment

AMPATUAN MASSACRE

ANTIPORDA

EBRAHIM MURAD

KORTE SUPREMA

MAGUINDANAO

MINDANAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with