^

PSN Opinyon

Lakihan ang multa sa nagpapa-traffic

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

ISA na namang truck ang nahiga sa main road sa Metro Manila -- rush hour nu’ng umaga ng Huwebes. Nagbara ng traffic nang pitong oras sa limang siyudad sa kahabaan ng C-5 at EDSA highways. Tulad nang malimit, nangatuwiran ang driver na basta na lang daw pumalya ang air brakes ng 10-wheeler na minamaneho. Napilitan umano siya ibangga ito sa road median, na ikinabuwal nito at naikalat ang karga na tone-toneladang graba. Humantong ito sa banggaan ng 10 pang sasakyan, na ikinasawi ng isang nagmo-motorsiklo.

Masyado nang malimit nangyayari ang ganito. Sa Metro Manila nu’ng nakaraang dalawang linggo, tatlong insidente ang naitala sa morning rush hour. Iba pa ang sa afternoon rush hours, o tanghali at gabi. Iba pa rin ang tumirik lang, o sa side roads nambara. Pare-pareho ang palusot ng tsuper. Kesyo nawalan ng preno o ng giya, kaya nakabangga, nakasagasa, nagpa-traffic. Pero sa totoo, kumakaskas sila!

Malaki ang pinsala ng mga ito. Una, sa public infras­tructures, sinisira ng mga pabayang tsuper at may-ari ng commercial trucks, bus at vans ang mga bangketa, road medians, at aspalto o konkreto ng kalsada. Gumagasta pa ang gobyerno sa tauhan at kagamitan para linisin ang kalat. Ikalawa, sa pribadong sektor, nakakapatay ng tao at nakakasira ng ibang sasakyan o poste ng kuryente na binangga. Ikatlo, sa ekonomiya, bumabagsak ang produksiyon dahil sa antala sa daan-libo hanggang milyong katao sa kanilang trabaho at negosyo. Sayang ang gasolina; tumitindi ang polusyon mula sa libu-libong sasakyang naka-idle.

Ang solusyon: Lakihan ang multa sa mga tiwaling drivers at may-ari ng commercial vehicles na nakapinsala. Gawing 100 times ng umiiral na minimum wage sa rehiyon na kinaganapan ng pinsala. Kung sa Metro Manila, na P420 ang minimum wage, P42,000 ang multa. Bukod pa ang pagtustos sa repair ng mga pinatay at sinira. Sa gan’ung paraan, imementena nang mabuti ang mga sasakyan, at patitinuin ang drivers.

BUKOD

GUMAGASTA

HUMANTONG

HUWEBES

IKALAWA

IKATLO

KESYO

LAKIHAN

METRO MANILA

SA METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with