^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Reporma sa aviation

Pilipino Star Ngayon

KUNG hindi pa nangyari ang malagim na pagbagsak ng eroplanong sinasakyan ni DILG secretary Jesse Robredo noong Agosto ay hindi pa mabubunyag ang mga pagkukulang ng Civil Aviation Authority of the Phillipines (CAAP). Maraming pagkakamali na naging dahilan para may madamay na buhay at dinala sa hukay.

Hindi umano sinunod ng isamg CAAP inspector ang may kinalaman sa safety rules ng eroplano. Ni hindi naisyuhan ng airworthiness certificate ang Piper Seneca na sinakyan ni Robredo at ang nagpilot ay si Capt. Jessup Bahinting at student pilot  na si Kshitis Chand. Hindi pa umano nakakalayo ang eroplano sa pinanggalingang Cebu ay nagloko na ang isang makina ng eroplano. Pero kahit na iisa na lang ang gumaganang makina, itinuloy pa rin itong paliparin ni Bahinting. Hanggang sa mag-dive na ang eroplano sa karagatan. Natagpuang patay si Robredo, ang piloto at ang student pilot na si Chand.

Maski si President Aquino ay nagsabing walang kakayahan si Bahinting na magpalipad ng eroplano. Hindi umano trained si Bahinting sa pagpapalipad ng eroplano na iisa lamang ang makina. Natuklasan din naman ang pagkakamali sa pagsasama sa student pilot at humahalili sa pagpapalipad ng eroplano.

Hindi na nga nakapagtataka kung bakit naka­pako sa Category 2 sa Aviation ang Ninoy Aquino Internatioal  Airport. Sino naman ang masisiyahan kung walang nakikitang pagsisikap na mapanatili ang safety ng mga eroplano. Hindi nagagawa ng CAAP ang kanilang tungkulin kaya naman may mga nangyayaring pagbasak. Kung magpapa­tuloy ang ganitong kasamang sistema sa aviation,  da­rating ang araw na marami pang mapapahamak dahil sa kapabayaan.

Ang nangyaring aksidente na tumapos sa buhay ni Robrero at iba pa ay nararapat naman sanang magbukas sa isipan  ng mga namumuno sa CAAP para maiwasan ang mga malagim na plane crash. Hindi dapat ipagwalambahala ang problemang ito. Nakasalalay sa CAAP ang pagrereporma sa kanilang tanggapan. Bigyang pansin ito.

BAHINTING

CIVIL AVIATION AUTHORITY OF THE PHILLIPINES

EROPLANO

JESSE ROBREDO

JESSUP BAHINTING

KSHITIS CHAND

NINOY AQUINO INTERNATIOAL

PIPER SENECA

PRESIDENT AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with