KUNG ang mas mataas na tax sa sigarilyo ay mahigpit nang tinututulan ng mga tobacco manufacturers at ng mga lulong sa pagyoyosi, ano pa kaya ang total na pagbabawal nito?
Nauunawaan ko ang sentimiyento ng mga maninigarilyo na tutol sa panukalang “Sin Tax” porke ako’y dating manghihithit at parang hindi kumpleto ang buhay ko kung hindi napapausukan ang aking baga.
Ngunit mahigit nang trenta anyos na akong iniwanan ng masamang bisyong ito na matagal ding gumapos sa akin. Sikreto ko? Isinuko ko ang bisyo sa Diyos. Yun lang.
Walang pinag-iba ang sigarilyo sa marijuana. Parehong hinihithit at parehong nakakabisyo. Ang kaibhan lang, legal ang yosi at bawal ang damo. Malamang na kung ang marijuana ay legal na noong araw at nakamulatan na ng marami, tiyak marami ang mag-aalboroto kapag ipinagbawal ito o pinatawan ng mataas na buwis. Iyan mismo ang problema ng pamahalaan sa kontro-bersyal na sin tax sa mga produktong nakakabisyo tulad ng alak at yosi. Malalaking industriya kasi ang tatamaan.
Duda ang PhilTobacco Growers Association (PTGA) sa pahayag ni Senator Franklin Drilon na hindi mamamatay ang industriya ng tobacco kapag naging batas ang sin tax. Anila, may “hidden agenda” ang mga paha yag ng senador na hindi mamamatay ang tobacco industry kapag ipinataw ang sin tax.
Tutol man tayo sa bisyo, lubhang komplikado ang problema dahil mga industriyang nagpapasok ng mala-king kita sa kabang-bayan ang apektado at maraming trabaho ang namimingit mawala. Para sa’kin, mas mahalaga ang buhay at kalusugan ng sambayanan.
Kung ang pinupuntirya ay ang eventual phasing out ng tobacco industry, dapat nang maghanda ang lahat
para sa alternatibong industriyang maipapalit dito.
Samantala, naniniwala ako na kung tataas ang ha-laga ng yosi, mapipilitan ang iba na magbawas sa kanilang bisyo na bagamat ini-enjoy nila ay unti-unti namang kumikitil sa kanilang buhay.
Kung sa Amerika at ibang maunlad na bansa ay nagtatagumpay ang kampanyang bawasan ang mga naninigarilyo, huwag na na ting bayaang tayo ang maging tambakan ng masamang bisyong ito na ibinabasura na sa ibang bansa.