^

PSN Opinyon

Pagtanggol, pagyurak sa karapatang pantao

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Pumasyal sa Pilipinas nu’ng nakaraang linggo si Atty. Joy Ngozi Ezeilo, UN Special Rapporteur n Trafficking in Persons. Nirepaso niya ang ginagawa ng gobyerno laban sa human trafficking (HT). Sunod sa mga kakambal na pandaigdigang krimen ng droga at pornograpiya ng bata, ang HT ang pinaka-mabilis lumaganap. Labag sa kalayaan at dignidad, merong limang uri ng trafficking:

(1) ng bata para halayin, ampunin, o sapilitang pagtrabaho (bilang pulubi, drug courier o sundalo;

(2) ng lalaki para sa prostitusyon o alipinin sa bukid, dagat o mina;

(3) ng babae’t dalagita para asawahin, prostitusyon o alilain;

(4) ng tao para sa organ transplants at body parts; at

(5) ng tao, lalo na ng mga bilanggo, para sa ritwal.

Ani Atty. Ezeilo, bagamat maraming ginagawa ang gobyerno, kulang pa rin sa larangan ng: (1) pagkolekta ng datos; (2) pagpapaalam sa publiko; (3) pagsanay sa pulis, social workers, atbp. kawani sa paglaban sa HT at pag-aruga sa mga biktima; (4) kabagalan ng hustisya laban sa traffickers; (5) alternatibong hanapbuhay para sa mga biktima; at (6) pagpondo sa kampanya.

Isinumbong ng NGOs kay Atty. Ezeilo ang masaklap na sitwasyon: habang itinataguyod ng gobyerno ang kalayaan at dignidad ng mga biktima, nayuyurakan ang karapatan ng marami na bumiyahe. Ito’y dahil sa offloading ng Bureau of Immigration ng mga pasahero sa international airports na napaghihinalaang itina-traffick.

Mahigit 120,000 katao ang pinigilang bumiyahe mula Agosto 2010 hanggang Hulyo 2012. Pero 33 lang ang dito natiyak na itina-traffick, at dalawa lang ang naipakulong na traffickers.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

 

AGOSTO

ANI ATTY

BUREAU OF IMMIGRATION

EZEILO

HULYO

ISINUMBONG

JOY NGOZI EZEILO

LABAG

SPECIAL RAPPORTEUR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with