‘Ride along sa pagsasanay’

NATATANGING pagsasanay ang nasaksihan ng team Ride Along ng BITAG kasama ang mga patrol officers mula sa United States.

Ekslusibong naidokumento ng aming grupo ang isinagawang “entry assault training” ng mga patrol officers ng South San Francisco sa isang tagong lugar sa kanilang teritoryo.

Layunin nito na sanayin ang mga  patrol officers ng South San Francisco na maging alerto sa oras na magkaroon ng pagresponde.

Sila kasi ang “front liner” bago pa dumating ang   mga miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT) team.

Kasama sa ginanap na pagsasanay ay ang ilan na- ting kababayang Pinoy patrol officers.

Matiyagang itinuturo ng trainer ang mga detalye ng senaryong kailangan nilang respondehan.

Matapos nito’y pinapaulit-ulit sa mga patrol officers ang senaryo ng kanilang pagsasanay.

Dahil kilala bilang “industrial city” ang kanilang lugar, malaking bahagi ng kanilang pagsasanay ay naaayon sa pagpasok sa mga gusaling may mga hagdan.

Ang lahat nang kilos ay kalkulado nila at hindi sila tumitigil hangga’t hindi maisasaulo ng bawat isa ang mga itinuturo sa kanila.

 Binubuo nang maraming lebel ang pagsasanay kaya’t nakatutok din ang mga patrol officers at ser­yosong inaaral ng makailang beses ang bawat senar-yong ibinibigay sa kanila.

Ang bawat pagrespon-de ay itinuturing na aktuwal at totoo ng mga nagsasanay na patrol officers.

Kaya naman talagang hahangaan ng sino man ang disiplinang ipinapakita ng ating kababayang Pinoy patrol officer at ng mga kasamahan niya.

Abangan bukas ang buong dokumentasyon ng  aming grupo sa PTV Channel 4 ang Pinoy US Cops Ride Along sa ganap na alas 8:30 ng gabi.

 

Show comments