^

PSN Opinyon

Kailan pa kaya tayo matututo, madadalâ?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

IYAN ang tanong ng Save Palawan Movement, sa newspaper ads at polyetos. Inilarawan ng SPM ang sakuna na idinulot ng dalawang malalaking minahan sa Pilipinas, at pinsalang maaring idulot ng ikatlo.

Una ang Marcopper mining disaster sa Marinduque nu’ng 1996. Sumabog sa bigat ng laman ang tailings dam sa kabundukan. Bumulwak ang 2.4 milyong tonelada ng waste at lason sa Makulapnit at Boac Rivers, patungong dagat. Wasak ang kalikasan -- halaman, hayop, pananim sa gubat, ilog, at dagat. Bago mapagbayad ng danyos-perhuwisyo, tumalilis ang mga Canadian na nagpapatakbo ng minahan.

Kamakailan naman, sa bigat din ng tubig-ulan, umapaw ang umano’y matibay na tailings pond ng Philex Mines sa Pacdal, Benguet. Mas marami — 20 milyong tonelada ng tailings sediment — ang bumulwak mula bundok patungong kapatagan. Minultahan ng gobyerno nang P1 bilyon ang Philex dahil sa pinsala, at nagsabing maaring may dagdag pang pagbabayad. Anang imbestigasyon ng isang komite ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, hanggang sa Agno River sa mga probinsiya ng La Union at Pangasinan dumaloy ang lason na ginagamit at basura mula sa pagmimina.

At ngayon naman, humihingi ang Chamber of Mines ng otomatikong pag-extend ng mining contracts. At ihinahalimbawa ang nakatenggang Tampakan project sa Mindanao. Sampung beses na mas malaki ang Tampa-kan kaysa Pacdal. Anim na ilog at daanlibong ektarya ng sakahan sa apat na probinsiya (South Cotabato, North Cotabato, Sarangani, at Davao del Sur) ang maaring mawasak. Ito’y kung sumabog din ang itatayong dalawang tailings dam sa kabundukan. Kung mangyari ito, milyong katao ang magugutom.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

AGNO RIVER

BOAC RIVERS

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

CHAMBER OF MINES

LA UNION

NORTH COTABATO

PACDAL

PHILEX MINES

SAVE PALAWAN MOVEMENT

SOUTH COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with