aIbigin ang kapwa
NGAYON ay napakaraming pagbabago sa kaunlaran ng ating teknolohiya. Napagyaman ng ating kapwa ang kanilang talino na kaloob ng Diyos. Pinaunlad nila ang maraming uri ng siyensya na ngayon naman ay napapakinabangan ng daigdig. Pasalamatan natin ang ating kapwa. Batiin natin sila sa kanilang pagbanghay sa kaunlaran nating lahat.
Sa mga pagbabagong ito, ang maitatanong lamang natin sa ating sarili ay kung alam pa kaya nating lahat lalung-lalo na ang mga kabataan ang Sampung Utos ng Diyos? “Dinggin mo, Israel: Ang Panginoong ating Diyos ay Siya lamang Panginoon. Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, kaluluwa at lakas. Ang mga utos niya’y itanim mo sa iyong isip”. Idinagdag pa ni Hesus nang Siya’y tanungin ng isang eskriba: “alin pong utos ang pinakamahalaga?” Ito naman ang pangalawa: “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Wala nang ibang utos na hihigit pa sa mga ito”.
Ang ating pag-ibig sa kapwa ay higit pa sa mga iniaalay natin sa simbahan. Mahigit pa ito sa mga donasyon, love offering at limos sa mga pagtitipon at pagpupuri sa Diyos. Ang wagas na pag-ibig sa kapwa ay ang pagtulong sa kanila lalung-lalo na sa mga dukha. Ang tinatawag na-ting mga love offering ay hindi lamang nauukol sa mga naglilingkod sa simbahan kundi higit sa lahat ay para sa mga dukha na nagangailangan ng pagkain sa kanilang ikabubuhay lalung-lalo na sa mga pulubing sanggol.
Si Hesus ang Dakilang Saserdote na nakatutugon sa ating pangangailangan. Siya ay banal at walang bahid-dungis ng kasamaan. Ibinigay Niya ang Kanyang buhay upang tayo ay iligtas at bigyan ng higit sa ating panga-
ngailangan. Ang panibagong buhay na puno ng kabutihan ay palatandaan ng Panginoon upang ibigay sa atin ang higit sa ating mga pangangailangan.
Paalaala sa atin ng Aklat ng Hebreo na si Hesus ang tunay na Saserdote sa pagka’t pawang pagpapatawad, pagpapagaling at pagbibigay ng buhay ang Kanyang ibinibigay. Hindi Niya katulad ang mga saserdote na pawang pangsari-ling karangyaan ng buhay ang inaasahan sa kanilang pangangaral.
Ipanalangin natin ang lahat ng pinuno ng mga simbahan upang ang una na-ming dapat ipahayag ay ang aming kabutihan, mabuting halimbawa at kabanalan.
Deutoronomio6:2-6; Salmo17; Hebreo7:23-28 at Marcos12:28-34
- Latest