^

PSN Opinyon

Etta: May karapatan din ang mga biktima

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

NAGING isyu ang P5 million bounty na ipinatong ni Davao City vice mayor Rodrigo Duterte para sa ulo ni Ryan ‘Baktin’ Yu, ang suspected leader ng car theft syndicate dito sa Mindanao.

Ayon sa Highway Patrol Group si Yu ang pinuno ng carjacking syndicate dito sa katimugan. Umabot na nga sa 40 sasakyan ang na-recover na sinasabing na-carnap ng grupo ni Yu sa mga magkasunod na raids sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao.

Pumalag si Commission on Human Rights chairman Etta Rosales dahil nga hindi lang ordinaryong “shoot-to-kill” order and dating ng kondisyon ng P5 million na reward. Kasi kinakailangang dalhin ang ulo ni Yu sa harap ni Duterte upang buong P5 million ang matatanggap ng bounty hunter. At kung mahuling buhay si Yu, P2 million lang ang cash reward, kung patay naman ay maging P4 million at dadagdagan pa ng isang million na may kabuuang P5 million na kapag nadala nga ang ulo nito kay Duterte.

Barbaric at napaka-Middle Ages daw ang ginawa ni Duterte. Sinabi ni Etta na kahit gaano man kasama ang isang kriminal kailangan pa ring mangingibabaw ang due process na sinasaad sa Constitution.

Totoong sa poll survey ng “Punto Por Punto” ni Anthony Taberna ng ABS-CBN’s Umagang Kay Ganda noong Biyernes, 97 percent ng respondents ay sang-ayon sa ginawa ni Duterte.

At may punto rin naman si Etta sa pagpaliwanag nito sa kanyang pagtutol sa P5 million na ipinataw ni Duterte sa ulo ni Yu. Subalit dapat ding bigyang halaga ni Etta ang karapatan ng mga kawawang biktima ng mga kriminal.  Sana naman sabay sa pagle-lecture ni Etta sa mga otoridad na kailangang mangi­ngibabaw ang respeto sa karapatang pantao, mananawagan din sana siya sa mga kriminal sa parehong karapatang pantao sa mga biktima nila. 

Mas mabuting gawing parte ng functions ng CHR chief at mga staff nito na umikot sa mga kulungan sa bansa at isa-isahin ang mga nakapiit na turuan tungkol sa human rights ng lahat ng tao, kasama ang mga biktima nila.  At CHR, pakisabi sa  lahat ng kriminal na huwag maghasik ng lagim at isipin ang karapatang pantao ng kanilang mga biktima bago sila gumawa ng krimen.

Sana maging patas ang CHR at nang hindi ito mapagkamalang Commission on Criminal Rights dahil nga sa parati nitong pagbigay ng mga pahayag na lumalabas na kumakampi sa mga may sala.

At ito pa, ang daming human rights violation cases ang naka­binbin sa CHR. Mas maigi sigurong atupagin din ni Etta ang mga kasong ito at nang sa gayun ay patas ang kanyang pagtrato sa lahat, mapa-suspetsado man o mapa-biktima.

Kumusta na nga pala ang mga  kaso ni former Army Gen. Jovito Palparan na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakita sa korte? Ayon nga sa mga militante, si Palparan ay patuloy na nagtatago sa saya ng CHR.

ANTHONY TABERNA

ARMY GEN

AYON

CRIMINAL RIGHTS

DAVAO CITY

DUTERTE

ETTA

MILLION

YU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with