^

PSN Opinyon

EDITORYAL-Ilantad, maanomalyanggovernment projects

Pilipino Star Ngayon

SA simula pa, nakatutok si President Noynoy Aqui­ no sa mga anomalyang nangyari sa nakaraang Arroyo administration. Katwiran niya, hindi maaa-ring palampasin ang mga ginawang baluktot. Hindi maaaring manahimik sapagkat sangkot dito ang pera ng taumbayan.

Tama naman ito. Hindi dapat ipagwalambahala ang mga ginawang baluktot. Kailangang panagutin ang mga sagabal para makita ang sinasabing “tuwid na daan’’.

Isa sa mga nadidiskubre ngayon ay ang mga proyektong sinimulan sa nakalipas na administrasyon na hindi matapus-tapos sapagkat batbat ng anomalya. May mga opisyal ng gobyerno na namutiktik ang bulsa sa kickbacks. Inip na inip na ang mamamayan sa inumpisahang proyekto at labis naman silang nagtataka sapagkat lumipas na ang maraming taon ay kung bakit hindi natatapos ang mga ito. Kailan daw matatapos ang proyekto? Kailan nila mapapakinabangan ang proyektong nagmula sa kanilang ibinayad na buwis? Ang hindi alam ng mamamayan, hindi na matatapos ang proyekto sapagkat naibulsa na ang pondo.

Halimbawa na lamang ay ang nadiskubreng tat­­ long tulay na nagkakahalaga ng P20-bilyon na hanggang ngayon ay nakatiwangwang. Ipinag-utos  ni Aquino sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na suspendihin na ang proyekto. Napag-ala­man na overpricing ang tatlong tulay. Ang proyekto ay sinimulan pa umano noong panahon ni President Fidel Ramos pero lomobo ang halaga noong panahon ni President Gloria Macapagal-Arroyo. Isang party-list umano ang nag-broker sa proyekto. Ang maaanomalyang proyekto ay iniimbes­tigahan na ng Senado at sa mga darating na araw ay ipatatawag ang lahat nang sangkot dito kabilang si Arroyo na ngayon ay naka-hospital arrest.

Ayaw namang sabihin ng Malacañang kung sa- ang lugar ang mga proyektong maanomalya. Maski si Sen. Sergio Osmeña III ay ayaw itong pangalanan.

Marami pang proyekto ng gobyerno sa nakaraang administrasyon ang pinagkakuwartahan. Hindi maliit na halaga kundi bilyong piso. Dapat lang habulin at panagutin ang mga nakinabang sa proyekto. Kung hindi pananagutin, paano gagalaw ang bansang ito? Magsasawalang-kibo na lamang ba? Tungkulin ng kasalukuyang pamahalaan na imbestigahan at isulong ang pagsasampa ng kaso sa mga sangkot. Tukuyin naman agad ang mga proyekto para hindi na nanghuhula ang taxpayers.

AQUINO

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

KAILAN

PRESIDENT FIDEL RAMOS

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PRESIDENT NOYNOY AQUI

PROYEKTO

SERGIO OSME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with