^

PSN Opinyon

Editoryal - Anti-Epal Bill apurahin

Pilipino Star Ngayon
Editoryal - Anti-Epal Bill apurahin

KAPAG naaprubahan na ang Senate Bill No. 1967 o “Anti-Epal Bill” tapos na ang maeepal na pulitiko. Apurahin sana ang panukalang batas na ito para masampolan na ang mga pulitikong matatakaw sa pag-angkin ng mga proyektong hindi naman sila ang gumastos. Kung ngayong araw na ito aaprubahan ang panukala, mara-ming pulitiko ang mapaparusahan at maaaring hindi sila makatakbo sa 2013 elections. Paano’y nagkalat na ang pangalan ng mga “maeepal” sa bawat sulok ng Metro Manila at maski ang mga nasa probinsiya. Mismong ang mga kalsadang ipinagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay inaangkin nila. Naglalagay sila nang malaking streamer o tarpaulin na kinasusulatan ng kanilang pangalan at retrato sa tabi ng proyekto at pinalalabas na sila ang nagpagawa ng kalsada o kaya’y tulay. Pakapalan na talaga ng mukha!

Ang pangunahing may-akda ng panukalang batas ay si Sen. Miriam Defensor-Santiago katulong sina Senators Chiz Escudero at Antonio Trillanes. Kapag naging batas, tatawagin itong “Anti-Signage on Public Works Act”. Bawal na ang paglalagay ng pangalan, initials, logo, sa mga signages na mag-aanunsiyo ng isang gagawing public works katulad ng kalsada, tulay, sidewalk, walkways, public buildings, public parks, basketball court, waiting sheds, lampposts at iba pang proyekto ng gobyerno.

Bukod sa mga nabanggit na proyekto, kapansin-pansin ngayon ang paglalagay ng pangalan ng mga pulitiko sa mga ambulansiya, firetrucks, service van at maski sa mga barangay hall ay makikitang nakabandera ang pangalan. Inaangkin nila kahit ni isang pera ay wala naman silang naiambag sa pagbili ng mga sasakyan.

Matagal nang praktis ng mga “maeepal” na pulitiko ang pag-angkin sa mga proyekto na ang pondo ay galing naman sa buwis ng taumbayan. Panahon na para maputol ang masamang praktis na ito. Madaliin sana ang pagpapasa ng panukala para marami ang masampolan. Hindi dapat maluklok sa puwesto ang “maeepal”.

 

vuukle comment

ANTI-EPAL BILL

ANTI-SIGNAGE

ANTONIO TRILLANES

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

METRO MANILA

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

PUBLIC WORKS ACT

SENATE BILL NO

SENATORS CHIZ ESCUDERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with