^

PSN Opinyon

'Makati Mayor Junjun Binay, basahin n'yo 'to!'(2)

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

LUMABAS ang unang bahagi ng kolum na ito nitong Biyernes. Kasabay din ng aming pag-broadcast sa BITAG Live sa UNTV noong araw ding ‘yun.

Mahigit isang libong text messages ang reaksiyong pumasok sa BITAG text hotline 09192141624. Matindi ang galit kay Cecilio Lim III ng mga nakapanood ng BITAG Live at mga nakabasa ng kolum na ito Luzon, Visayas at Mindanao

Pati si Mayor Jun Jun Binay, nadamay. Kinukuwestiyon tuloy ang kakayahan ng batang alkalde at kung kinukunsinti niya ang inaasal ng kaniyang ka-shooting buddy, kilala sa pangalang “Cecile”.

Ang reklamong ito ng mga empleyado ng Makati City Hall Accounting Department ay nauna na palang naipara-ting sa tanggapan ni Mayor Jun jun Binay.

Pare-pareho ang mga katanungan ng mga nakapanood at mga nakabasa, anila, “ano ba ang ginagawa ng batang Binay na ‘yan”? Hanggang sa isinusulat ko ang kolum na ito, wala kaming naririnig kay “Totoy Junjun”.

Isa sa mga modus ni Cecile ay ang iligal na pagba-baklas at pagpapalit ng plaka ng sasakyan ng gobyerno sa araw ng Linggo. Mismong kanyang tsuper ang sapilitan niyang inuutusang isagawa ang modus na ito.

Kapritso raw nitong si Cecile ay mag-target practice sa shooting range kada araw ng Linggo sa Lungsod ng

 Muntinlupa, kasama ang kaniyang mga shooting buddy.

Paboritong gamit ni Cecile na sasakyan sa araw ng Linggo ay ‘yung pinagbaklasan ng red plate na pinapalitan niya ng private plate.

Kapag nagsawa na raw sa shooting range si Cecile, ang kan­­yang libangan ay ang lo­o­ bang bayan ng Calumpit, Bulacan. Ginawa niya itong hun-ting ground.

Mga wild ducks ng Calumpit ang target ni Cecile. Paminsan-minsan daw, mga na­liligaw na pato ng mga magsa­saka sa nasabing lugar ang kanyang pinupuntirya dahil madali lang ta­maan.

Para patunayan   ang sumbong na ito sa BI­TAG, ipinakita ng da-ting tsuper ang video ng mga tinamaang pato ni Cecile. Makukulay nga na wild ducks at mga pobreng paga­la-galang patong ala­ga.

Abangan: Pagsus­pinde ni Cecile sa isang empleyado. Ang dahilan, pag-absent sa trabaho dahil emergency na isinugod sa ospital ang kaniyang tatlong taong gulang na anak…

BINAY

CALUMPIT

CECILE

CECILIO LIM

LINGGO

MAKATI CITY HALL ACCOUNTING DEPARTMENT

MAYOR JUN

MAYOR JUN JUN BINAY

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with