^

PSN Opinyon

Ngiting aso ngayon sina Atong Ang

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAGDEKLARA ng all-out war si Atong Ang sa mga gambling lord na kalaban niya sa jueteng. Dahil sa tulong ng NBI agents at mga backer sa katauhan ni Jackie Enrile, na anak ni Senate Pres. Juan Ponce Enrile, mukhang sa tingin ni Atong wala nang papalag sa kanya. Sa ngayon, ang tinatarget ni Atong ay ang Laguna at ang Southern Police District (SPD). Nag-umpisa nang mang-raid ang mga tauhan ni Dir. Bessat ng NBI sa Laguna at SPD bilang hudyat sa pagdating ng kamandag ni Atong.

Kaya ngayon, ngiting aso si Atong at ang kasosyo niyang si Art Atayde dahil tiyak madadagdagan ang milyon na pumapasok sa bulsa nila. Inuulit ko, si Atong ay nakulong sa plunder at nakalaya lamang matapos ipagkanulo ang kanyang kaibigang matalik na si dating Pres. Joseph “Erap” Estrada!

Sa biglang tingin, win-win ang situation sa ngayon ni Atong. Subalit kung ang mga kausap ko ang panini­walaan, mukhang panandalian lang ang karangyaan na tinatamasa ni Atong. Si Atong ay nag-iisa lang saman­talang ang kanyang kalaban ay marami. At dahil binusog ni Atong ang NBI, ang naiwang tulala ay ang PNP. Kala­karan na ang PNP ang may say sa jueteng. Subalit sa liderato ni Atong ang NBI ang nabusog at mukhang hindi na makahinga sa milyones na dumarating sa kaban ni Dir. Nestor Mantaring. Abot mo ba ‘to Justice Sec. Agnes Devanadera? Ang payo ko kay Devanadera. magsuot siya ng helmet para hindi mabukulan.

Kung interesado si Devanadera na buwagin ang tong collection racket ng NBI, ang unang ipatawag niya ay ang bagman ni Mantaring na sina Edwin Roxas at Noel Villanca. Isama na niya si Odjie Villanca, ang taga-raid ni Atong at tiyak tumpak ang direksiyon na patutunguhan niya.

Sa ngayon, ang jueteng ni Atong na nakatago sa virtual 2 ay matatagpuan sa Camarines Norte, Albay, Sorsogon, Nueva Viscaya, Cagayan, Isabela at Iloilo. Ang sa Cavite naman ay nakatago sa Small-Town-Lottery, di ba boss Bandong Maliksi Sir? At para sa kaalaman n’yo mga suki, kung itong virtual 2 ay brainchild ni Atong para itago ang jueteng niya, ito namang STL ay kay jueteng King Bong Pineda. At sa tingin ng mga kausap ko, itong pananalasa ni Atong ay wala siyang ibang mababangga kundi si Bong.

Ito palang Laguna ay nauna nang pinuntirya ni Bong, ayon sa mga kausap ko. At nakarating na ke Bong ang all-out war na pagbabanta ni Atong. At dahil ginalaw niya ang Laguna, sa tingin ni Bong, kinakalaban na siya ni Atong. Kaya’t sa ngayon, naggigirian ang kampo ni Atong at Bong. At tinitiyak ng mga kausap ko, me kalalagyan si Atong. Ginising ni Atong ang sleeping giant. Bitbit kaya ni Atong ang bayag niya sa laban na ito? NBI vs PNP? Hindi nalalayo. Madugo ito. Abangan!

vuukle comment

AGNES DEVANADERA

ATONG

ATONG ANG

BANDONG MALIKSI SIR

CAMARINES NORTE

DEVANADERA

EDWIN ROXAS

JACKIE ENRILE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with