^

PSN Opinyon

Nadukot na cellphone

IKAT AT ANG BATAS - Jose C. Sison -
SI Cora ay District Director ng TESDA sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela).

Isang araw, pagkatapos ng kanyang miting sa TESDA sa Taguig, agad siyang sumakay ng LRT sa Buendia station upang makaabot sa isa pang miting sa opisina nila sa Caloocan na gaganapin ng 3:00 ng hapon. Subalit dahil siksikan sa LRT, hindi niya namalayan na nalaslas ang kanyang bag at nanakaw ang kanyang mga gamit. Kabilang sa nakuha ay ang kanyang wallet at cell phone na inisyu sa kanya ng TESDA. Sa mismong araw ding ’yun, ipinagbigay-alam niya sa pulisya ang nangyaring kamalasan. Kaya, nagsagawa ng imbestigasyon ang mga pulis subalit hindi nahuli ang suspek at hindi na rin nabawi pa ang cellphone ni Cora.

Makalipas ang tatlong araw, nagsumite si Cora ng memorandum sa kanilang Regional Director upang ireport ang nangyari at hilingin na mawalan siya ng pananagutan sa pagkawala ng kanyang cell phone. Subalit itinanggi ng auditor ang kanyang kahilingan. Sa halip ay pinagbabayad siya ng P3,988.00 para sa halaga ng cell phone at P250 para sa case nito o kabuuang halaga na P4,238. Kinumpirma ng National Government Audit Office II at ng Commission on Audit (COA) ang naging desisyon ng kanilangn auditor.

Ayon sa paliwanag ng COA, si Cora ay nagkulang sa kinakailangang pag-iingat ng kanyang cell phone. Inilantad daw ni Cora ang sarili at pag-aari nito sa kapahamakan nang sumakay sa LRT lalo na sa oras ng puno ito ng pasahero. Bukod dito, kahit na ang pagnanakaw ay isang hindi maiiwasang pangyayari, hindi ito sapat na dahilan upang siya ay mawalan ng pananagutan dahil maari lamang isaalang-alang ito kung walang kapabayaang nangyari. Tama ba ang COA?

MALI.
Ang pagsakay sa LRT ay hindi maituturing na kapabayaan; lalo na at isinaalang-alang ni Cora ang oras at gastos upang makarating siya sa tamang oras ng miting sa Caloocan. Sinuman ay gagawin ang naging pasya ni Cora. Hindi dapat maging hadlang ang pagkakaroon ng cell phone sa pagsakay sa pampublikong transportasyon dahil isang kaalaman na kaakibat na nito ang kapahamakan.

Hindi rin maaasahang magkaroon ng sariling sasakyan si Cora dahil sa kanyang mababang posisyon at sahod. Batay na rin sa ipinag-uutos ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, ordinaryong pag-iingat lamang ang kinakailangan sa paggamit sa pag-aaring inisyu ng gobyerno sa mga empleyado nito tulad ni Cora. Kaya, hindi man naiwasan ang nasabing insidente, napatunayan pa rin ni Cora na nag-ingat siya sa kanyang gamit nang siya ay sumakay sa LRT. (Cruz vs. Gangan, G.R. 143403, January 22, 2003).

vuukle comment

CALOOCAN

CODE OF CONDUCT AND ETHICAL STANDARDS

CORA

DISTRICT DIRECTOR

KANYANG

KAYA

NATIONAL GOVERNMENT AUDIT OFFICE

PUBLIC OFFICIALS AND EMPLOYEES

REGIONAL DIRECTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with