Dahil dito, nagsampa ang SOP ng kaso laban sa ACO upang pigilan ito kasama ang mga ahente at mga empleyado nito sa pagpraktis ng optometry sa kanilang lugar. Iginiit ng SOP na ang ACO bilang isang kumpanya ay hindi maaaring magbigay ng serbisyo o magpraktis ng optometry. Tanging mga tao lamang ang pinapayagang magpraktis ng optometry. Isa raw itong paglabag sa Optometry Law (R.A. 1998) at sa Code of Ethics ng mga Optometrists.
Pinaboran ng RTC ang SOP. Ang pag-empleo raw ng ACO ng mga lisensyadong optometrists ay labag sa batas dahil nagreresulta ito ng praktis sa optometry ng isang kompanya. Tama ba ang korte?
MALI. Ang negosyo ng ACO ay nauukol lamang sa pagbebenta ng mga salamin o ilang produkto para sa mata, hindi praktis ng optometry, direkta man o hindi, sa pamamagitan ng mga empleyado nitong optometrists. Hindi ito isang optical clinic kahit na naka-empleo ang ilang optometrists dito. Walang paglabag sa RA 1998 kapag ang isang kompanya ay nag-empleo ng mga lisensyadong optometrists. Ipinagbabawal lamang ng nasabing batas ang pagpraktis ng optometry ng mga taong walang lisensiya ng nasabing propesyon.
Ang praktis ng optometry ay para lamang sa may hawak ng balidong sertipikasyon bilang optometrist at may "good moral character".
Kaya, ang pag-empleo ng ACO ng mga lisensyadong optometrists ay hindi isang paglabag sa RA 1998 at masasabing praktis ng optometry bagkus isa itong lehitimong negosyo (Alfafara, et al vs, Acebedo Optical Co. , Inc. G.R. 148384 April 17, 2002).