Isang gabing pauwi, napadaan siya sa isang makipot at madilim na kalsada. At dahil nagmamadaling makauwi ng bahay, nabundol niya ang isang babaing naglalakad. Malakas ang pagkakabundol sa babae kaya humagis ito nang may limang metro. Dinala ni Edgardo ang babae sa ospital subalit namatay din ito.
Nalaman ni Edgardo na buntis ang babaing nabundol niya at nalaglag ang dinadala nito. May pananagutan ba si Edgardo sa pagkamatay ng fetus at sa pagkamatay ng babae?
Mayroon. Kahit na ang karahasang dinanas ng buntis na babae ay hindi sinasadya o kayay ang pagkakalaglag ng bata sa sinapupunan ay hindi ginusto ni Edgardo dahil hindi naman niya alam na buntis ang babae, siya pa rin ay mananagot sa batas. Dahil sa kanyang kapabayaan, nahatulan si Edgardo ng homicide with abortion thru reckless imprudence (People vs. Ang Eng 64 Phil 1057).