Gonzaga hindi nangalawang
MANILA, Philippines — Sa kabila ng ilang buwan na pahinga, hindi makikita ang pangangalawang kay Jovelyn Gonzaga na kilala sa tawag na ‘Bionic Illongga’.
Muling inilabas ni Gonzaga ang bagsik nito sa kanyang pagbabalik sa Premier Volleyball League (PVL) para sa ZUS Coffee.
Tinulungan ni Gonzaga ang Thunderbelles para makuha ang kauna-unahang panalo nito sapul nang sumabak ito sa liga.
Nagtala si Gonzaga ng 23 puntos para pataubin ng ZUS Coffee ang Nxled, 19-25, 25-23, 25-22, 25-15.
Dinala ni Gonzaga ang malalim nitong karanasan para magsilbing lider ng Thunderbelles.
“Gusto kong ibigay ‘yung kumpiyansa and tiwala kasi once na mabuo ang kumpiyansa nila, magiging maganda ‘yung performance ng team,” wika ni Gonzaga.
Malaki ang tiwala ni Gonzaga sa kaniyang bagong team at umaasa siya na ito na ang simula ng pag-angat ng kanilang tropa.
- Latest