ANG buong akala ni Pugo, La Union Mayor Noemi Balloguing at asawang municipal administrator na si Orlando Balloguing ay makakapahinga na sila sa kaso ng anak na si Pio. Dinismis kasi ng korte ang kaso laban sa confessed gunman na si Orly Padillo dahil sa affidavit of desistance ng mag-asawang Balloguing. Subalit hindi pa pala mananahimik ang mag-asawa dahil sinampahan sila ni Chief Insp. Cesar Paday-os, CIDG provincial officer sa La Union ng kasong parricide at obstruction of justice at murder, kasama si Padillo at sina alyas Popoy at Atoy. Tinitiyak ng aking mga suki sa La Union, na hindi makakatulog sina Balloguing dahil nakataya ang kinabukasan nila sa pulitika sa kaso ni Pio. Si Orlando ay nag-file ng certificate of candidacy para mayor ng Pugo. Sa ginawa ni Paday-os, lalabas din ang katotohanan sa kaso ni Pio.
Sa pagsampa ng kaso sa mga Balloguing at iba pang akusado, idiniin ni Paday-os ang kanyang findings tulad ng halos 13 oras bago inireport ang pagpatay kay Pio sa Pugo police station kahit na malapit lang ang bahay na pinangyarihan ng insidente. Ang paglinis ng crime scene kung kaya walang physical o biological evidence tulad ng slugs, empty shells, o nagkalat na dugo na nakita o napulot ang mga nagrespondeng pulis. Ang desisyon ni Orlando at mga kasamang alyas Popoy at Atoy na dalhin sa punerarya ang katawan ni Pio imbes na sa ospital kung saan maaring ideklara ng isang competent person o doctor na patay na nga siya. Binanggit din ni Paday-os ang affidavit-complaint ni Orlando na ang manager owner ng Abellera funeral parlor ang nagdala ng katawan ni Pio sa punerarya at ang pagsurender ni Padillo sa mag-asawa at ang pagdala sa kanya sa police station.
Iginiit pa ni Paday-os na halos malayo sa katotohanan ang pahayag ni Orlando na self-defense ang ginawa ni Padillo na naging negative sa paraffin test o di siya nakapagpaputok ng baril at ang hindi pag-surrender ng baril na ginamit. Si Pio ay nagtamo ng limang gunshot wounds at hindi ito consistent sa anggulong self-defense.
Malakas ang paniniwala ni Paday-os na meron siyang hawak na ebidensiya para patunayan sa korte na ang mag-asawang Balloguing, Padillo, Popoy at Atoy ay magkasabwat sa krimen. Sa tingin ng mga suki ko sa La Union, kung hindi man madesisyunan ng korte ang kaso laban sa mga akusado sa mada-ling panahon, tiyak madedesisyunan sila ng mga bo tante sa May elections.
Abangan!