^

Metro

Biktima ng human trafficking naharang sa NAIA

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinigil ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, ang isang babaeng biyahero  nang madiskubreng gumagamit ng pekeng  departure stamp.

Ang pagharang ay bahagi ng pagsisikap ng BI na labanan ang human trafficking, alinsunod sa pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na protektahan ang mga manggagawa mula sa pagsasamantala.

Ibinahagi ng BI Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES), na ipinakita ng 37-anyos na biktima ang kanyang sarili bilang isang turista patungo sa Netherlands.

Subalit sa pagpapakita ng kanyang pasaporte para sa inspeksyon, napansin ng mga opisyal ang kahina-hinalang immigration clearance stamp sa kanyang pasaporte.

Sa pag-verify sa forensic documents laboratory ng BI, kinumpirma nila na peke nga ang nasabing selyo.

Sinabi ng babae na humingi siya ng serbisyo sa isang fixer na nakilala niya sa lobby ng NAIA 3, na nag-alok sa kanya ng tulong sa imigrasyon. Aniya, hiniling sa kanya ng fixer na isumite ang kanyang pasaporte at makipagkita sa isa pang kasamahan na nakasuot ng puting sando at face mask.

Pagkatapos ay ibinalik ng fixer ang pasaporte ng biktima at hini­ling na maghintay sa pasukan para sa dapat umanong escort. Ayon dito, naghintay siya ng 45 minutes pero walang lumapit sa kanya.

Binalaan ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang mga biktima na huwag mahulog sa mga alok ng nasabing fixers.

HUMAN TRAFFICKING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with