Operating hours ng LRT-1, extended ng 30 minuto

Simula ngayong Miyerkules
MANILA, Philippines — Simula ngayong araw, palalawigin ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang operasyon ng LRT-1 mula Lunes hanggang Biyernes.
Sa abiso ng LRMC, ang huling tren mula Dr. Santos Station ay aalis ng 10:30 PM, habang 10:45 naman ang alis ng mula sa Fernando Poe Jr. Station na mahaba ng 30 minuto mula sa dating schedule.
Wala namang pagbabago sa unang biyahe ng tren: 4:30 ng madaling araw mula Lunes hanggang Biyernes at alas-5 naman ng umaga tuwing Sabado, Linggo at holidays.
Ayon kay LRMC President at CEO Enrico Benipayo, ang bagong schedule ay tugon sa panawagan ng Department of Transportation (DOTr) na pahabain ang serbisyo para sa mas maraming pasahero ang makakabiyahe habang sinisiguro pa rin ang maayos na maintenance ng mga tren.
Pinapayuhan ang mga commuter na planuhin ng maaga ang kanilang biyahe dahil magsasara ang ticket booths limang minuto bago ang huling tren. Para sa updates, bisitahin ang opisyal na Facebook at X accounts ng LRT-1 o i-download ang ikotMNL mobile app.
- Latest