30 Pinoy na biktima ng human trafficking sa Myanmar nakauwi na
MANILA, Philippines — Dumating na sa bansa ang 30 na Pilipinong biktima ng human trafficking sa Myanmar sakay ng PR733 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal kahapon.
Sa pagtutulungan ng Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Justice (DOJ), at MIAA-MEDICAL, nakauwi ng ligtas ang 30 Pilipino na bibigyan ng tulong ng pamahalaan para sa kanilang pagsisimula.
Samantala, pinaalalahanan ni DMW Usec Bernard Olalia ang mga Pinoy na huwag mahulog sa mga pangako ng sindikato para mapadali ang kanilang pagpunta sa ibang bansa para magtrabaho.
Nabatid na ang mga ito ay pinagmalupitan at pinagtrabaho sa scam hub na nagpapanggap na mga rich guy o rich women para manghikayat sa kanilang mabibiktima na mamuhunan sa pamamagitan ng kanilang platform.
Pinangakuan ng mataas na suweldo sa Myanmar na hindi natupad.
Inaasahan naman ang pagdating sa bansa ngayong araw ng 176 pang Pinoy human trafficking victims.
- Latest