^

Metro

Vlogger na pulis, sumuko; sasailalim sa neuro test

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Vlogger na pulis, sumuko; sasailalim sa neuro test

MANILA, Philippines — Handa na umanong sumailalim sa neuro- psychiatric test ang viral cop na si Patrolman Francis Steve Tallion Fontillas kasunod ng kanyang patungo sa Que­zon City  Police District (QCPD) kahapon.

Batay sa inilabas na statement ng QCPD, bandang alas-11 ng umaga kahapon nang magreport si Fontillas sa QCPD at nagpaliwanag sa kanyang ginawang post sa social media.

Matatandaang nagpost ng kanyang saloobin si Fontillas gamit ang facebook kung saan binabatikos ang adminis­trasyong Marcos at Philippine National Police (PNP) hinggil sa pag-aresto ng International Criminal Court (ICC) kay dating Pangu­long Rodrigo Duterte.

Ang pag-aresto kay Duterte ay bunsod naman ng kasong crime against humanity na isinampa laban dito ng mga pamilya ng biktima  sa war on drugs.

Ayon sa QCPD, bilang bahagi ng  requirements para sa Return to Active Duty, sasailalim si Fontillas sa medical check-up at Neuro-Psychiatric examination.

Nagpahayag din umano ng pagsisisi si Fontillas sa kanyang  ginawa at nangako na hindi na uulitin pa.

Tiniyak naman ng QCPD na pananatilihin nila ang propesyonalismo, disiplina at susunod sa batas ng PNP.

ICC

QCPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->