Mabilis na transfer ng plaka sa TODA, Valenzuela City government pinuri ni Tolentino
MANILA, Philippines — Pinuri ni reelectionist Senator Francis ‘TOL’ Tolentino ang pamahalaan ng Valenzuela City sa inisyatiba nitong mapabilis ang transfer ng mga opisyal license plates mula sa Land Transportation Office (LTO) patungo sa mga tricycle operators and drivers associations (TODA) ng lungsod.
“It’s my first time to see a local government unit leading the way to facilitate and fast track the transfer of license plates to tricycle owners and drivers. Saludo ako sa inyo,” sabi ni Tolentino kay Valenzuela Mayor Wes Gatchalian na kasama niya sa turnover ceremony ng TODA members.
“I have long been calling on the LTO to address its plate backlog, today we’re on the same side,” ang baling naman niya kay LTO chief Vigor Mendoza na dumalo rin sa okasyon, bilang kanyang pasasalamat.
Bilang tugon, sinabi ni Mendoza sa senador na ang backlog ng ahensya ay nabawasan sa pitong milyon – mula sa pinakamataas na siyam na milyon noong nakaraang taon.
Kung maaalala, si Tolentino ang nanawagan sa LTO na itigil ang kontrobersyal na patakaran nito na ipagbawal at pagmultahin ang paggamit ng pansamantalang plaka.
Pinangunahan din ng senador ang pagpasa ng Senate Bill No. 2555, na naglalayong amyendahan ang mga kontrobersyal na probisyon sa ‘Doble Plaka Law.’
Si Tolentino rin ang pangunahing may-akda ng Senate Bill No. 1275, na naglalayong bigyan ng mga benepisyo ang delivery platform motorcycle riders sa ilalim ng Labor Code, kabilang ang makatarungang sahod, seguridad sa trabaho, at panlipunang proteksyon.
- Latest