^

Metro

Overstaying na Kano dinakip sa pambubugbog

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang overstaying na Amerikanong turista dahil sa umano’y pambubugbog sa isang lalaki sa loob ng isang five-star hotel sa Parañaque City.

Sa isang pahayag, sinabi ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado na inaresto ng mga operatiba mula sa fugitive search unit (FSU) ng BI si Evan Ronald Berlin, 31, sa kanyang tirahan sa kahabaan ng Zobel Street, Poblacion, Makati City.

Nag-ugat ang kaso sa mga alegasyon na binugbog ni Berlin ang complainant sa loob ng isang bar na naging dahilan upang magtamo ito ng mga sugat at nawalan ng malay. Iniulat na sinaktan ni Berlin ang nagrereklamo matapos komprontahin ng huli ang Amerikano dahil sa sekswal na pananakit sa kanyang asawa.

Inihayag ng BI chief na ang warrant ay inisyu ng Makati City Metropolitan Trial Court noong Setyembre 13 para sa pag-aresto kay Berlin  dahil sa kasong physical injury at paglabag sa safe space act. Huling dumating si Berlin sa bansa noong Marso 5, 2023 bilang pansamantalang bisita.

Samantala, inaresto rin ang Japanese fugutive na miyembro ng Luffy fraud syndicate na si Odaira Kai, 35, sa kanyang condominium unit sa kahabaan ng Jose Abad Santos Ave., San Fernando City, Pampanga kasunod ng mission order.

Mahigit sa 4 na mil­yong yen na cash, katumbas ng humigit-kumulang US$27,000, ang iniulat na ninakaw mula sa biktima sa pamamagitan ng hindi awtorisadong pag-withdraw gamit ang nasabing mga ninakaw na card.

Kapwa nakakulong ngayon sina Berlin at Kai sa BI custodial facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang nakabinbin ang pagsasagawa ng deportation proceedings.

ZOBEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with