^

Metro

Mag-asawang senior, 1 pa patay sa sunog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawang senior, 1 pa patay sa sunog
Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong ala-1:22 ng hapon nang sumiklab ang sunog sa ikalawang palapag ng tahanang matatagpuan sa R.A Reyes St., sa Tondo, na pagmamay-ari umano ng isang Loreta Flores.
STAR / File

MANILA, Philippines — Patay ang mag-asawang senior at kanilang kaanak habang apat na iba pa ang sugatan sa sunog na sumiklab sa Tondo, Maynila kahapon.

Ang mag-asawang senior citizen na nasa edad 78 at 70 at 45-an­yos na binatang kaanak ay pinaniniwalaang nasawi nang ma-trap sa sunog.

Samantala, sugatan naman sa sunog ang apat na katao, kabilang ang tatlong fire volunteers na sina Reynaldo De Luna, 20, na nawalan ng malay; John Jerome Dumasig, 34, ng Pitong Gatang Fire Volunteer; Rodelio Banique, 47, ng Sierra Fire Volunteer, at Dexter Aniban, 32.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong ala-1:22 ng hapon nang sumiklab ang sunog sa ikalawang palapag ng tahanang matatagpuan sa R.A Reyes St., sa Tondo, na pagmamay-ari umano ng isang Loreta Flores.

Ayon sa mga awtoridad, umabot lamang ng ikalawang alarma ang sunog bago tuluyang naideklarang under control dakong alas-2:41 ng hapon.

Nasa anim na kabahayan naman ang na­damay sa sunog, kabilang ang tatlo na totally damaged at tatlong partially damaged habang nasa 18 pamilya naman ang naapektuhan nito.

Sa pagtaya ng mga awtoridad, aabot sa P800,000 ang halaga ng mga ari-ariang tinupok ng apoy.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog.

FIRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->