Importasyon ng bigas babawasan - DA
MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na binawasan na ng mga importers ang importation ng bigas kasunod ng inaasahang magandang ani ng lokal na maisasakatuparan sa bansa ngayon.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa, sa report ng Bureau of Plant Industry (BPI), nasa 640,915.708 metric tons (MT) na ng imported na bigas ang pumasok sa bansa ngayong taon.
Mas mababa ito ng 46 percent kumpara sa 1.19 million MT ng imported rice mula Enero hanggang Marso noong nakaraang taon.
“This means that a large volume of imported rice entered the country last year, plus the expectation that this year’s harvest will improve. We can see that importation is adjusting,” ani De Mesa.
Sinabi naman ni Federation of Free Farmers national manager Raul Montemayor na kaya umatras ang mga importers sa pang-angkat ng mas maraming bigas ay dahil sa itinakdang maximum suggested retail price (MSRP) ng DA sa imported rice na nasa P45 hanggang P49 kada kilo.
- Latest