Patung-patong na kaso isinampa vs viral cop
MANILA, Philippines — Sinampahan ng patung-patong na kasong administratibo ng National Police Commission (Napolcom) ang pulis na nag-viral online sa kanyang mga post sa social media bilang tugon sa pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ng Napolcom na si Pat. Francis Steve Fontillas ay nahaharap sa kasong Grave Misconduct at Conduct Unbecoming of a Police Officer,” batay sa pahayag.
Nanawagan si Napolcom commissioner Rafael Calinisan kay Fontillas na ipasuri muli ang kanyang sarili sa doktor sa gitna ng ulat na siya ay nagpapakita ng mental health “red flags”.
Una nang sinabi ni Quezon City Police District (QPCD) Acting District Director PCol. Melecio M Buslig, Jr, na tumanggi si Fontillas na sumailalim sa isang neuropsychiatric exam na kinumpirma naman ni PLt. Col Van Jayson Villamor, hepe ng QCPD medical and dental unit, sa pagsasabing kinakitaan na nila ng mga senyales o red flag na mayroong mental psychological problem si Fontillas.
Kinasuhan na rin si Fontillas ng paglabag sa Article 142 ng RPC (Inciting to Sedition) na may kaugnayan sa R.A 10175 0 Cybercrime Prevention Act of 2012 sa Quezon City prosecutor’s office.
- Latest