Seguridad sa data center ng Comelec, hinigpitan

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na mahigpit ang ipinatutupad nilang seguridad sa kanilang data center.
Nitong Biyernes, binuksan ng Comelec sa media, poll watchdogs at iba pang stakeholders ang kanilang data center na matatagpuan sa Ayala Circuit Corporate One Building sa Makati City, para sa isang walkthrough.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, tanging piling Information Technology (IT) personnel lamang ng komisyon ang maaaring mag-access sa data server room. Maging siya mismo ay walang authorized access doon.
Bukod dito, marami ang layers ng seguridad na ipinatutupad.
Siniguro rin naman niya na higit pa nilang hihigpitan ang security protocol sa loob at labas ng gusali habang papalapit na ang mismong araw ng halalan.
Magpapakalat aniya sila ng military at police personnel upang magbantay sa lugar.
- Latest