328 bagong BuCor Officers nanumpa

MANILA, Philippines — Nasa 328 bagong corrections officers ang naidagdag sa mga pasilidad ng Bureau of Corrections (BuCor) matapos ang seremonya ng panunumpa sa Corrections National Training Institute (CNTI) Parade Ground sa loob ng compound ng New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City noong Biyernes.
Pinangasiwaan ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang Jr. ang oath taking ng bagong recruit na nagtapos ng Corrections Officer Custodial Basic Course (COCBC) graduating Class 2024-02 DASIG Tikas, o “Disiplinadong Aksyon na may Sinseridad at Integridad Gabay sa Tungkulin ng Institusyong Koreksyon at Alay sa Sambayanan – para sa Bagong Pilipinas.”
Bahagi ang 328 ng kabuuang 1,008 graduates ng COCB sa unang quarter ng 2025 bureauwide sa pamamagitan ng decentralization training program sa iba’t ibang Operating Prisons and Penal Farms (OPPF).
Bukod pa rito, ang Iwahig Prison and Penal Farm ay nagsagawa ng kanilang graduation noong Pebrero 7 na may 188 na nagtapos. Makalipas ang tatlong araw, idinaos ng Sablayan Prison and Penal Farm ang kanilang graduation kasama ang 77 graduates.
Ang Leyte Regional Prison at San Ramon Prison and Penal Farm ay nagsagawa ng kanilang graduation rites noong Marso 7 na may 128 at 92 na nagtapos, ayon sa pagkakasunod, habang ang Davao Prison at Penal Farm ay nakatakda ang kanilang graduation rites sa Marso 24 para sa 195 COBC trainees.
Ang COCBC Class 2024-02 “DASIG-TIKAS” ay sumailalim sa anim na buwang in-house na pagsasanay na kinabibilangan ng propesyonalismo ng militar, mahigpit na pisikal na pagkondisyon, kasanayan sa baril, mga taktika sa pagtatanggol sa sarili, mga akademikong lektura, at mga karanasan sa trabaho
- Latest