Rally sites ng pro-Duterte minomonitor ng PNP

MANILA, Philippines — Inamin ng Philippine National Police (PNP) na minomonitor nila ang mga posibleng lugar na pagdarausan ng mga rally ng mga taga-suporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Jean Fajardo, nakatutok sila sa mga lugar na pagdarausan ng rally upang makapag-adjust ng alert status.
Ang pagkilos ng PNP ay kasunod ng pagdinig ng International Criminal Court (ICC) sa kasong crimes against humanity na isinampa laban kay Duterte.
Kailangan na mabantayan at maproteksyunan ang mga nagra-rally para sa kanilang kaligtasan.
Dagdag pa ni Fajardo, hindi naman away ang hangarin ng mga pulis.
Iniiwasan ng PNP na magamit ng ibang grupo ang pagra-rally ng mga tunay na taga-suporta ni ng dating pangulong Duterte.
- Latest