^

Metro

15 tripulante ng tanker timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
15 tripulante ng tanker timbog
Ayon sa ulat kay NBI Director Jimmy Santiago, kabilang sa nadakip ang isang kapitan na wala umanong lisensya at unang pagkakataon pa lang maglayag ng barko na ginamit sa paghakot ng diesel mula sa isang mas malaking barko na pinupuntahan sa laot.
Boy Santos, file

800K litro ng puslit na diesel

MANILA, Philippines — Arestado sa mga tauhan National Bureau of Investigation (NBI) ang 15 tripulante na nahuli sa aktong nagpupuslit ng nasa 800,000 litro ng diesel mula barko at isinasalin sa tanker sa Mariveles, Bataan.

Ayon sa ulat kay NBI Director Jimmy Santiago, kabilang sa nadakip ang isang kapitan na wala umanong lisensya at unang pagkakataon pa lang maglayag ng barko na ginamit sa paghakot ng diesel mula sa isang mas malaking barko na pinupuntahan sa laot.

Dawit din ang driver ng mga truck na pinag­lipatan ng diesel.

Madaling araw ng  Biyernes nang maaktuhan ng mga ahente ng NBI ang operasyon sa paglilipat ng diesel at nakuhang ebidensya ang mga nakasalansan na mga hose na nakakabit sa barko.

Inaalam pa kung saang bansa galing ang puslit na diesel na ang distributor ay isang barko na may markings na Chinese characters.

Kasama rin ng NBI ang Bureau of Customs (BOC) na kumuha ng sample para sa pagbuo ng isasampang kaso kaugnay sa pagpapalusot sa pagbabayad ng buwis.

 

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with