Crime rate sa Quezon City bumaba ng 14.12% - QCPD
MANILA, Philippines — Maniniwala ang Quezon City Police District (QCPD) na malaking tulong ang suporta ng local government unit sa kanila kaya patuloy ang pagbaba ng crime rate sa lungsod.
Ayon kay QCPD Director PCol. Melecio Buslig Jr., ang advanced crime monitoring sa pamamagitan ng Integrated Command, Control, and Communication Center (IC3), na nagbibigay-daan sa real-time surveillance at mabilis na pagresponde sa mga insidente ang naging susi upang agad na maresolba ng kapulisan ang krimen.
Lumilitaw sa report na bumaba ng 14.12 porsiyento ang crime rate sa mula Oktubre 2024 hanggang Febrero 1, 2025.
Kabilang dito ang murder, homicide, physical injury, rape, theft, robbery, vehicle theft, at motorcycle theft.
Batay sa report, 602 focus crime incidents ang naitala na sinasabing mas mababa kumpara sa mula sa 701 insidente sa parehong period na Oktubre 1, 2023 hanggang Pebrero 1, 2024.
Sinabi pa ni Buslig na nadakip ng QCPD ang 1,309 wanted persons, nasita ang 1,321 illegal gamblers, at nahuli ang 109 suspek sa illegal firearms violations, nagresulta sa pagkakakumpiska sa 113 baril, sa nasabing period.
Nagsagawa rin ang QCPD ng 667 anti-illegal drug operations na nagresulta sa 1,059 drug-related arrests at pagkakasabat sa P50,745,116.80 halaga ng illegal drugs.
- Latest