^

Metro

19.61% ibinaba ng krimen sa Metro Manila – NCRPO

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
19.61% ibinaba ng krimen sa Metro Manila � NCRPO
Naitala ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang 19.61% pagbaba ng Index Crimes ng Enero 1-31, 2025 ay sa pagpapatuloy ng momentum na ipatupad ang Able, Active, and Allied (AAA) poli­cing approach sa 8 focus crimes, na pinasimulan ni NCRPO Acting Director, P/Brigadier General Anthony Aberin.
STAR / File

MANILA, Philippines — Mas mababa ang krimen o index crimes rate sa Metro Manila sa buwan ng Enero 2025 kumpara sa kaparehong buwan noong nakalipas na taon.

Naitala ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang 19.61% pagbaba ng  Index Crimes ng  Enero 1-31, 2025 ay sa pagpapatuloy ng momentum na ipatupad ang  Able, Active, and Allied (AAA) poli­cing approach sa 8 focus crimes, na pinasimulan ni NCRPO Acting Director, P/Brigadier General Anthony Aberin.

Sa kabuuan, nasa 451 ang naitalang krimen na mas mababa ng 110  kumpara noong nakaraang taon.

Ang mga insidente ng rape ay bumaba sa  46.49%, physical injury na 37.14%, homicide na 28.57%, murder na 17.65%, at robbery na 23.05%.

Naitala rin ang 92.46% para sa crime clearance efficiency at 72.73% para sa crime solution efficiency, ayon pa sa NCRPO.

Samantala, sa mula  alas-6:00 ng umaga ng Pebrero 1 hanggang alas-6:00 ng umaga ng Peb. 2 ay nakapagtala naman ng 53 nadakip sa isinagawang 39 na anti-criminality operations; naaresto ang 44 na top wanted, most wanted, at other wanted persons; sa illegal drugs ay 123 ang naaresto sa 46 operations na isinagawa at nasamsam ang nasa P3,031,984.00.

Nasa 6,042 naman ang naaresto sa paglabag sa lokal na ordinansa na may katapat na multang P1,651,800.00.

NCPRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->