^

Metro

BI at PEZA nagkasundo sa data sharing agreement

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagkasudo ang Bureau of Immigration (BI) at ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) sa  Data Sha­ring Agreement (DSA) upang magtatag ng malinaw na mga alituntunin sa pagbabahagi at paghawak ng mga datos sa pag-iisyu at pagpapatupad ng PEZA Visa.

Ang PEZA visa ay  para sa mga dayuhang nagtatrabaho sa PEZA -mga rehistradong ecozone.

Ang kasunduan, na nilagdaan noong Enero 21 sa tanggapan ng PEZA sa Pasay City, ay nagbibigay ng katiyakan  na ang parehong ahensya ay sumusunod sa mga legal na balangkas, sa pagproseso ng mga aplikasyon para sa mga visa.

Sa ilalim ng DSA, ang BI, bilang nagsisiwalat na partido, ay magbibigay sa PEZA ng kinakailangang impormasyong nakalap mula sa mga aplikante ng visa upang makatulong sa kanilang pagsusuri at pag-isyu ng PEZA Visa.

Ang lahat ng aktibidad sa pagbabahagi ng data ay mahigpit na sumusunod sa Data Privacy Act at sa Implementing Rules and Regulations nito upang maprotektahan ang personal na impormasyon ng mga aplikante.

Binigyang-diin ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang kahalagahan ng kasunduan sa pag-streamline ng pagproseso ng visa habang pinapanatili ang seguridad ng data.

DSA

PEZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->