^

Metro

Pamangkin ginawang sex slave, pintor tiklo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 32-anyos na pintor na ginawang sex slave ang menor-de-edad na pamangkin, sa Las Piñas City, Linggo ng umaga.

Ang akusadong si “Frendo”, ay Top 1 Most Wanted Person sa Station Level at Top 2 naman sa Most Wanted ng District Level, ayon kay PCol. Sandro Jay Tafalla, hepe ng  Las Piñas City Police Station

Dakong alas-11:00 ng umaga ng Pebrero 2, 2025  nang arestuhin si Frendo ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section sa Barangay  Elias Aldana, Las Piñas.

Ang mga warrants  of arrest ay  inisyu ni Judge Mildred Jacinto ng Family Court, Branch 2, ng Las Piñas City kaugnay sa 13 counts ng Statutory Rape at 2 counts ng Sexual Assault na walang inirekomendang piyansa.

Sa rekord ng korte, paulit-ulit na ginahasa ni Frendo ang 13-anyos na pamangking babae at palagi siyang tinatakot na kung magsusumbong sa mga magulang ay may mangyayaring masama sa kaniya.

ARESTADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->